^

Pang Movies

Away pulitika, hindi bagay sa pandemic

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ewan ko kung ano ang dapat kong ma-feel sa nangyayari ngayon sa mga Estrada at Zamora.

Iyong una, ipinahinto ang rolling store ni Janella Ejercito dahil walang permit. Ngayon naman, hinuli si Jinggoy Estrada dahil sa pamimigay ng mga bangus sa ilang barangay.

Totoo na ang ginagawa ni Mayor Francis Zamora ay ang magpasunod ng batas dahil siya ang mayor ngayon ng San Juan. Hanga ako sa kanya dahil gusto niya ipakita sa lahat na kahit sino ay dapat sumunod sa batas.

Pero hindi ba puwede na magkaroon ng konting unawa sa ilang bagay?

Iyon rolling store ni Janella na dating vice mayor ng San Juan half price daw ang pagbebenta ng mga itinitindang pork, gulay at manok bilang tulong sa mga tao. Walang permit? Ok pagsabihan kumuha o bigyan na lang dahil nakakatulong naman sa tao, ‘di ba ganun na lang ang dapat ginawa.

So, namimigay ng bangus si Jinggoy, dating mayor at senador, dapat pa bang ipahuli?

Sana nga walang political color ang mga nagaganap sa San Juan, sana nga hindi ito kaso ng gantihan dahil dating magkakaibigan na nagkaaway sa politika. Sa panahon ngayon , lahat ng tulong kailangan ng tao.

Heto at meron gustong magtinda ng half price food items, heto at meron pang ulam na binibigay, let it be.

Saka na natin harapin iyon ginawang palagay natin ay mali pagkatapos ng crisis. Hayaan muna natin pakinabangan ng tao iyon ibibigay nila, konting luwag lang Mayor Francis, magkakilala naman kayo, saka n’yo na iyan pag-usapan ng mga Estrada pagkatapos ng pandemic. Cool lang.

Isang pagkakamali hindi pang-forever

Iyon perception ng tao dapat maging fair din kung minsan.

Iyon pagkakamali na binigyan mo na agad ng tatak at para bang kahit ano pa ang gawin ng tao na nagkamali ay hindi na puwedeng burahin at mabago ang tingin sa kanya ay hindi makatarungan.

One mistake in life will not define you forever. Dapat alam natin na puwede mabago ang isang tao sa pagkakamali niya and be a better person basta ginusto niya.

Iyong pagiging judgmental, iyon ayaw magbigay ng second chance, ang usually ang nagiging dahilan para maging bitter ang tao na nakagawa ng pagkakamali.

Pag na-feel niya na heto, handa kang tumulong sa pagbabago niya, handa mo siyang tanggapin kahit nagkamali siya, magiging bukas ang puso niya sa pagbabago at hindi siya magiging bitter sa pagtanggap ng pagkakamali niya.

Lawakan natin ang utak at puso natin, tanggapin natin ang pagbabago. Lalo na ngayon na nakita natin, in one sweep ay puwedeng mabago ang lahat.

JANELLA EJERCITO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with