^

Pang Movies

Alex Calleja, mangunguna sa katatawanan ngayong quarantine season…

Pang-masa

MANILA, Philippines — Kalimutan muna ang pangamba at makisaya sa hatid na katatawanan ng iWant kasama ang komedyanteng si Alex Calleja sa bagong show nitong  Tawa Tawa Together na libreng mapapanood sa streaming service.

Itatampok sa gag show ang iba’t ibang komedyante tulad nina Pokwang, Melai Cantiveros, Vandolph Quizon, at Goin Bulilit  kids upang bigyan ng nakakatuwang twist ang karanasan ng iba’t ibang pamilya habang may quarantine. Mapapanood ang susunod na episodes sa Miyerkules, Biyernes (Abril 22, Abril 27), at Mayo 1.

Sa pilot episode nito, ipapakita ni Nonong Ballinan ng Home Sweetie Home ang mahihirap na pagsubok na dala ng pagvi-video chat sa crush at pag-iwas sa mga kaibigang nangungutang. Nakakatuwa rin ang pagbabahagi ni Alex ng mga karanasan niya sa bahay dahil sa tuloy-tuloy na “toyo mode” ng kanyang asawa.

Katatawanan din ang dala ni Vandolph tungkol sa malupit na ‘social distancing’ na ginagawa ng kanyang praning na pamilya, habang haharapin naman si Alex ang makukulit at matatalinong sagot ng child stars na sina Raikko Mateo, Enzo Pelojero, Chunsa Jung, Sophia Reola, at Carlo Mendoza sa kanilang ‘bugtung-bugtungan’ challenge.

Mula sa Cebu, magpapasikat din ang mag-amang Gedent Ambayic at Diego ng Crazy Duo gamit ang kakaibang interpretasyon ng theme song ng noontime show na It’s Showtime. Dala naman ng YouTuber musician na si Rex Ricamara ang isang awitin tungkol sa panganib ng pagtambay sa labas.

Magsasama-sama naman ang mga komedyante para sa kanilang makabagong bersyon ng May Pulis Sa Ilalim Ng Tulay, ang May Tanod Sa Gilid ng Kanto, na kanilang pagdudugtungin upang makabuo ng mga katawatawa ngunit makatotohanang pangyayari ngayong panahon ng quarantine.

Mapapanood ang bagong episodes ng Tawa Tawa Together ngayong Abril 22, Abril 27, at Mayo 1 sa iWant ng 8 PM.

ALEX CALLEJA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with