^

Pang Movies

Iconic scenes sa DOTS, ‘di na kinunan sa abroad

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Iconic scenes sa DOTS, ‘di na kinunan sa abroad

Maraming iconic scenes ng Korean drama na Descendants of the Sun ang inaabangan ng netizens gabi-gabi sa local adaptation nito ng GMA Network.

Last week ay inabangan iyong iconic scarf scene nang muling magkita ang characters nina Capt. Lucas (Dingdong Dantes) at Dr. Maxine (Jennylyn Mercado), nang pareho silang ma-deploy sa Urdan camp ng mga rebelde. Hindi nila in-expect na doon pa sila muling magkikita.

Last Monday evening ang tinutukan ng netizens ay ang pagpunta nila sa isang lugar na may barkong na-shipwreck sa lugar. Ang hashtag ng episode ay #DOTSPHShipwreckPromise, na ang tanong ano ang promise ni Lucas kay Maxine?

Ang said scene ay kinunan sa napakagandang lugar sa Batangas, ang Fortune Islands. 

Sabi ni Lucas, ang mga pumupunta raw doon, kapag kumuha ng bato, tiyak na babalik sila muli roon. At ang gusto ni Lucas, kapag bumalik sila roon, sila nang dalawa. Matupad kaya iyon kahit tumanggi si Maxine?

Ang said scene ay kinunan ng original version sa Greece. Kaya ang tanong noong inihahanda pa lamang ang DOTS PH, kung saan daw sa abroad kukunan ang scene, hindi na pala kailangan mag-abroad, dahil mayroon palang magandang lugar dito sa atin na pwedeng gamiting location.

Kaya ang netizens hindi nakalimot magbigay ng comments sa napanood nila.

Ang DOTS PH ay dinidirek ni Dominic Zapata at napapanood gabi-gabi pagkatapos ng romantic-comedy series na Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday.

Nora masaya sa nangyari sa pelikula 

Nagsimula nang mapanood ang GMA Afternoon Prime drama series na Bilangin ang Bituin sa Langit last Monday, February 24, may netizens na nagsabing mabuti raw tinanggap ni Superstar Nora Aunor na sa hapon ipalabas ang kanyang teleserye. 

Dalawa na ang nagawang serye ni Ate Guy, ang Little Nanay at Onanay pero parehong nasa primetime ito.

Wala raw problema iyon kay Ate Guy, ang kinatuwaan niya ay nang i-remake nga ang kanyang pelikulang ipinalabas pa noong 1989, na isang blockbuster movie ng Regal Films. Ang medyo nag-aalala ang production ay kung tatanggapin niya ang role na ibibigay sa kanya. 

Sa original kasi ginampanan niya ang role nina Magnolia at Maggie na ginagampanan ngayon nina Mylene Dizon at Kyline Alcantara. Role ni Cedes na dating ginampanan ni Perla Bautista ang ibinigay sa kanya.

“Alam ko ang story at ang character ni Cedes,” sabi ni Guy. “Ang mahalaga may aral na mapupulot sa aming serye ang mga manonood.”

Ang Bilangin ang Bituin sa Langit ay napapanood after ng Prima Donnas.

DESCENDANTS OF THE SUN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with