^

Pang Movies

Winners ng Your Moment mas excited sa career kesa sa datung

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Ang bandang Juan Gapang ang itinanghal na Grand Singing Champion sa katatapos lamang na Grand Finals ng Your Moment habang ang grupong Kenyo Street Fam naman ang nanalong Grand Dancing Champion.

Ang nasabing dalawang grupo ay tumanggap ng 2 million pesos each at management contract sa ABS-CBN.

Of course, masayang-masaya ang dalawang grupo at naging emosyonal pa nga ang Kenyo Street Fam nang tawagin ang kanilang pangalan as the dancing champion.

Pagkatapos na pagkatapos ng show ay isinabak agad sila sa presscon kung saan ay nagpakilala sila sa entertainment press.

When asked kung ano ang nararamdaman nila sa pagkakapanalo, ani Cocoy na leader ng Juan Gapang, “halo – tuwa, kaba, di namin ma-explain. Kung panaginip ‘to, sana ‘di na kami magising.”

Halos ganu’n din ang nararamdaman ng Kenyo Street Fam, hindi raw sila makapaniwala na aabot sa ganitong punto ang kanilang pagsasayaw-sayaw.

Natanong din sa dalawang grupo kung ano ang plano nila sa P2-M na napanalunan nila.

Ayon sa Juan Gapang ay hindi pa raw nila alam kung ano ang gagawin sa kanilang pera at mas importante raw ngayon sa kanila ay pag-isipan kung ano ang kanilang next step para maibalik sa mga tao ang pasasalamat.

“Set aside muna ang pera. Ang gawin namin ngayon is i-enjoy, brainstorming kami kung ano ang magandang mangyayari sa banda namin. Siguro, kung may gagawin kami is iparinig sa mga tao. Magre-recording kami, kung makakapag-record kami, du’n na nila makikita ang tatak ng Juan Gapang,” ani Cocoy.

Ayon naman kay Jim na leader ng Kenyo Street Fam, gusto raw nilang makapagpatayo ng sariling studio kung saan ay makakapag-practice sila nang maayos.

“Hindi lang po kasi kami ang dancer sa lugar namin and du’n sa isang subdivision po namin, may batch 2 po kami, may batch 3, may kids, so parang hindi po sapat ‘yung nagiging place namin.

“So, hindi lang po siya para sa amin, para rin po sa bayan at sa iba pong makikinabang sa talent nila,” sey ni Jim.

Sa plano naman sa kani-kanilang career, itutuloy daw nila ang kanilang nasimulan like ang Juan Gapang, gusto nilang makapag-record ng mga kanta at ang Kenyo Street Fam naman ay gusto raw nilang makapag-inspire pa ng mga kapwa-dancers nila at patuloy pa rin daw silang sasali sa mga kumpe­tisyon kung may pagkakataon.

May pinariringgan? Ronnie at Loisa pinagsigawang ‘di peke ang relasyon

Kaaliw ang sagot ni Loisa Andalio nang tanungin sila ni Ronnie Alonte sa presscon ng James and Pat and Dave kung ano ang bagong maio-offer ng LoiNie loveteam compared sa iba nating loveteam ngayon.

Sagot ni Loisa, ‘yung iba raw loveteams ay marami nang nagawang pelikula samantalang sila ay itong James and Pat and Dave ang first solo movie nila.

“’Yun po ang ipinagkaiba namin,” natatawang sabi ng dalaga. “Nagsisimula pa lang po ‘yung loveteam namin dahil dito sa James, Pat and Dave.”

Dagdag naman ni Ronnie, isa pang ikinaiba nila sa ibang loveteams ay sila na, nang magsimula ang kanilang tambalan ni Loisa. Unlike the other pairs na nagkaka-develop-an na lang kapag naging loveteam na.

Sey pa niya, “sa totoo lang po, totoo kami. Kami po ang magka-loveteam na totoong magdyowa.”

Bukod daw sa pagiging totoo nila, sobrang open pa raw nila, all-out at walang wall sa mga tao.

“Hindi namin itinatago kung anumang meron sa amin. And ayun, siguro, pag nagtrabaho kami, talagang trabaho,” dagdag pa ni Ronnie.

Showing na ang James and Pat and Dave ngayong Feb. 12 mula sa direksyon ni Theodore Boborol na siya ring nagdirehe ng Vince and Kath and James. Kasama rin sa pelikula si Donny Pangi­linan bilang third party sa LoiNie loveteam.

YOUR MOMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with