^

Pang Movies

Gwen at David inuna ang bakasyon bago ang kasal

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Gwen at David inuna ang bakasyon bago ang kasal
Gwen at David

Nasa Bangkok, Thailand ang mag-fiancé na sina Gwen Zamora at David Semerad (PBA’s Talk & Text KaTropa).

Hanggang bukas ang “honeymoon” nila doon.

Nang makatsikahan ko si Gwen, ikinuwento niya na hanggang bukas sila sa Bangkok.

“We’re enjoying. Super walk and lamon kami. Hahaha!” sey ni Gwen.

Bale naiwan sa bansa ang anak nila, si Baby Cooper.

“My Mom’s back in Manila, kaya sa kanya namin iniwan si Cooper,” sabi pa ni Gwen.

Dahil nasa bansa nga ang nanay ni Gwen, si Mommy Therese Agnese, kaya comfortable sila sa bakasyon nilang ‘yon.

“Maalaga naman ang Mom ko, kaya comfor­table kami sa vacation namin,”
 sey pa ni Gwen.

Sabi nga pala ni Gwen, dahil super lamon sila lately, pati nga sa bakasyon na ‘yon, lumaki raw silang dalawa ni David.

“Pagbalik namin, diet and exercise agad. I have to exercise na. I really wanna start working na rin kasi. Para makatanggap din ng work uli,” kuwento pa ni Gwen.

Hmph! Feeling ko hindi lang ang pagbabalik-work ang paghahandaan ni Gwen kaya siya magda-diet and exercise uli. Parang pati ang kasal nila ni David ay paghahandaan na rin nila, huh!

Ang bongga!

Sharon binigyan ng bonggang pa-presscon ng ABS

Ang bongga ng presscon ni Sharon Cuneta pagkatapos niyang pumirma ng exclusive contract uli sa ABS-CBN.

Bale for a year ay walang contract ang Megastar sa Kapamilya network at kahit nga may issue sa franchise renewal sa congress ng nasabing TV network, wala naman tayong nabalitaan na binalak lumipat sa ibang TV network ni Sharon.

Pero ngayon nga, certified Kapamilya na uli siya dahil sa panibagong exclusive contract.

Anyway, nag-congratulate ako kay Sharon dahil ang bongga lang ng pa-presscon ng Kapamilya network para sa kanya. Maraming surprises ‘yon at kinantahan pa siya ng ilang singers sa pangunguna ni Jed Madela.

May VTR suprises din, kaya touched na touched si Sharon, huh!

Nabanggit ni Sharon sa interview sa kanya ang ibang bashers, pero sabi ko naman sa kanya, mas maraming nagmamahal sa kanya na ikinatuwa nga ng Megastar, huh!

After the presscon, nakatsikahan ko sandali si Sharon.

May isang sinabi ako sa kanya na hindi puwedeng i-share muna at natuwa ang Megastar.

Sa tsikahan din na ‘yon ay napag-usapan namin ang inaanak niyang si Ruffa Gutierrez at ikinuwento niyang sobrang close ng anak nila ni Senator Francis Pangilinan na si Frankie Pangilinan kina Lorin at Venice.

Nang kausap ko nga si Ruffa ay naikuwento ko sa kanya ang tungkol doon at siya na ang nagkuwentong palaging dumadalaw ang mga anak niya sa bahay ng Megastar.

Nice!

Joem at Meryll, feeling teenagers

May nagkomento na parang mga teenager pa rin sina Joem Bascon at Meryll Soriano na hindi direkteng sinagot ang tanong ko sa finale presscon ng ABS-CBN series na Starla kung nagkabalikan na ba silang dalawa?

Pero obvious naman daw ‘yon sa kanilang mga kilos.

And in fairness, maraming pabor sa tsikang-balikan nina Joem at Meryll, huh!

Ngayon na nga pala ang finale night ng Starla na umere ng 16 weeks.

Sobrang taas pa rin ng ratings ng finale week (hopefully pati ang finale episode mamaya) ng series na pinagbibidahan nina Judy Ann Santos sa Kapamilya network.

Ogie bilib sa kasipagan ni Ian

Nagustuhan ni Ogie Alcasid ang pagiging masipag ni Ian Veneracion sa pagpo-promote na prinodyus ng kanyang A-Team noong July last year.

Ngayong March, hindi na lang siya basta guest sa concert ni Ian.

Pareho na silang major performers.

Excited na si Ogie para sa Los Bantitos (The Good, The Bad & The Pogis) concert nila ni Ian.

‘Yun na!

vuukle comment

DAVID SEMERAD

GWEN ZAMORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with