^

Pang Movies

Showbiz babies iluluwal sa 2020

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Hindi lamang pala ang mag-sister-in-law na sina Solenn Heussaff at Anne Curtis ang expectant moms in 2020 kundi maging ang Kapuso actress na si Max Collins sa magiging first baby nila ng kanyang husband at kapwa Kapuso actor na si Pancho Magno.

Preggy rin ngayon sa kanyang magiging second baby si Cristalle Belo Henares-Pitt sa husband nitong si Justin Pitt. 

Rita hindi na magagamit ang pinag-aralan

Natutuwa kami para sa San Diego, California, USA-based actress na si Rita Magdalena na kamakailan lamang nagluwal ng kanyang first baby sa American husband niyang si Christopher Bartleson na nagtatrabaho sa US Naval Base in San Diego.

It was in September 9, 2011 nang ikasal sina Rita at Christopher. Nakunan si Rita sa kanilang unang baby sana nung 2014 at magmula noon ay makailang beses silang sumubok na magka-baby sa pamamagitan ng IVF (in vitro fertilization) but failed. At kung kelan naman huminto na si Rita sa pag-aakalang hindi na siya magkakaanak ay saka naman siya nabuntis nang normal hanggang isilang niya ang kanilang cute baby ni Chris.

Si Rita ay nag-aral ng 16-week course in acting sa University of California sa pag-aakalang makakabalik siya sa showbiz.

Isa pang alaga ni Kuya Germs nakikilala na

Kung sina Jake Vargas, Ken Chan, Sanya Lopez at Jak Roberto ay pare-parehong namamayagpag ngayon sa bakuran ng Kapuso Network matapos silang i-build-up ng yumaong star builder at Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno sa now-defunct Walang Tulugan with the Master Showman, ang isa sa mga naging alaga ni Kuya Germs na si Rhen Escano ay unti-unti namang gumagawa ng pangalan sa bakuran ng Kapa­milya network matapos siyang maging contract talent ng Viva Artists Agency (VAA).

Si Rhen ay kamakailan lamang nagbida sa pelikulang Damaso kung saan niya co-star ang dating beauty queen na si Cindy Miranda. Kabilang ngayon si Rhen sa bagong pasok sa cast ng top-rating and long-running action-drama series na FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin. “Noon pinapangarap ko lamang po na makapag-guest sa Ang Probinsyano…. ngayon ay totoo na po,” pahayag ni Rhen na umaasang mas magiging busy sa pagpasok ng 2020.

vuukle comment

RITA MAGDALENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with