^

Pang Movies

Kapuso endorsers ng Beautéderm may bonus na negosyo package!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Kapuso endorsers ng Beautéderm may bonus na negosyo package!

Bongga…

Naku, malamang na mainggit ang mga Star Magic stars na kinuhang endorsers ni Ms. Rhea Anicoche-Tan, CEO and President ng Beautéderm Corporation dahil sa maagang Christmas gift sa bagong endorsers ng produkto niya na taga-GMA Artist Center.

Ang mga Kapuso artist na bahagi ng ng Beautéderm family ay sina Camille Pratts, Pauline Mendoza, Sanya Lopez, at ang loveteam nina Rita Daniela at Ken Chan na ipinakilala niya sa media kahapon.

Kinilatis muna ng Beautéderm boss ang ugali ng mga artist at pinagamit ng beauty products na ieendorso nila at pumasa sa kanya ang limang Kapuso stars.

Bago matapos ang media launch, may pasabog si Miss Rhea sa kanila. Magiging negosyante na sila simula ngayong Disyembre. Pinahahanap na sila ng sariling puwesto sa mall at bibigyan niya sila ng Beautéderm products para ibenta, huh!

Lundagan sa tuwa ang lima sa malaking pasabog ng Beautéderm President, huh! Bukod pa raw ‘yon sa mamahaling branded bag na bigay sa kanila!

Aba, nu’ng launching ng ilang Kapamilya stars bilang ambassadors eh walang pasabog na negosyo si Ms. Rhea!

Pahayag ni Ms. Tan sa pagdagdag ng bagong endorsers, “My Beautéderm babies are increasing and I am pleased and proud to welcome my GMA Artist Center brand ambassadors to our growing family.”

“They are five of the most amazing artists I have ever met and I am at awe with what they have accomplished in their individual careers.”

Imagine, may talent fee na as endorsers, may bonus pa silang negosyo, huh!

Young actress hanggang eklay lang sa ka-loveteam!

Tanggap ng isang young actress na hindi puwedeng mapunta sa seryosohang relasyon ang kanilang pagsasama sa mga project.

Alam ng girl na hindi siya matitipuhan ng young actor. Kaya ‘yung nakikitang sweetness sa kanila eh for the sake of their team up lang, huh!

Bilib na bilib naman sa kanila ang fans kaya sinamantala ng young actress ang pagkahumaling ng mga fan sa team up nila.

Sa ibang guy na lang siya maghahanap ng tunay na pagmamahal at pag-ibig!

vuukle comment

BEAUTéDERM CORPORATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with