^

Pang Movies

Jeric may naramdaman kay Sheryl!

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nangiginig si Jeric Gonzales habang kinukunan ang intimate scenes nila ni Sheryl Cruz sa seryeng Magkaagaw! “Nanginginig po dahil din po sa eksena tsaka dahil din po sa character ko.

“Kailangan din po talagang si Jio, na ganun din po, na ninenerbiyos. Kaya ako rin po, before, during and after the scene nararamdaman ko pa rin nagse-shake ako, na parang, ‘Ano’ng ginawa ko?’ Parang, ‘Nagawa ko ba talaga yun? Nag-kiss talaga kami, nangyari talaga yun?’”

Deretsahang natanong kay Jeric kung na-arouse ba siya habang ginagawa nila ni Sheryl ang kanilang lovescene sa Magkaagaw, ang sagot ng binata: “Tinablan? Siguro po, obligation-wise, na of course, maano ka, maging… meron pong mga eksena na ano, para maakit ka kay Miss She, naakit ako sa kanya so meron pong mga ganun.  

“Pero yung personal na naano po ako sa kanya, kay Miss She, hindi po.  Siguro sa karakter lang po, sa real life hindi naman po talaga kasi, sa character lang siya. And binibigyan namin talaga ng freedom yung sarili namin during the scene, na maramdaman lahat yun. So sa eksena naramdaman ko talaga.” 

Masyado raw mataas ang respeto ni Jeric kay Sheryl para magkaroon sya ng malisya sa aktres. Nagkaroon sila ng sensuality workshop bago sila nag-taping ng Magkaagaw.

“Naku dun pa lang po, nasampolan na talaga ako agad,” at natawa ang Kapuso hunk. “Kasi one-on-one po kami and then we have to do yung mga daring scenes, yung mga kailangang makita ni direk. Kailangan makita mismo ni direk na kaya naming gawin para on-the-set wala ng pilitan na, ‘O, kaya nyo ba yan?’ So ayun, nagawa namin, nag-kiss kami sa workshop. So very ano talaga siya, sensual, sensual.”

Naitanong naman kay Jeric paano makipaghalikan sa isang older woman? 

“Siguro personally dun sa character ko, I enjoyed it kasi it’s my first time na mga halik with an older woman,” at muling natawa si Jeric. “Pero yung older sa akin ng konti meron na, pero yung ganung kalaki ang age gap, first time.”  

27 years old na si Jeric at 45 years old naman si Sheryl. Oldest daw na nakahalikan ni Jeric in real life ay 4-5 years lamang ang agwat. Ayon pa kay Jeric, may pagkakaiba ang pakikipaghalikan sa isang cougar.  

“Meron po, malaki. Kasi siyempre, experience po, experienced na yung mas older and then mas naga-guide niya ako sa… at mas aggressive, mas parang anything is possible,” at tumawa muli ang binata. Iba ang halik ni Sheryl kumpara kay Klea Pineda na lead actress sa Magkaagaw.  “Very passionate lang, pure love siya, kakaibang-kakaiba dun kay Ms. She na very wild and aggressive.  Na mas naramdaman ko kay Ms. She yung enjoy na enjoy, yung parang sex lang talaga yung habol. Pero with Klea, may love, tender kumbaga, hindi yung wild. So very loving lang.”

Siyanga pala, napapanood ang Magkaagaw tuwing Lunes hanggang Sabado sa GMA Afternoon Serye after Eat Bulaga

SHERYL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with