James at Nancy teleserye walang atrasan
Wala na palang urungan ang pagkakaroon ni James Reid ng serye katambal ang isa sa miyembro ng Momoland na si Nancy.
Wala pang tiyak na titulo ang serye pero nauna nang nabanggit na Soulmate at kung sinu-sino pa ang kanilang makakasama.
Maliban kaya kay Nancy, sinu-sino pa kayang Korean talents ang makakasama ng dalawa?
Natural na may mga Pilipino talents din. Pero ang kabuuan yata ng series ay gagawin dito sa bansa.
Pakiusap nga pala ni James na huwag silang gawing loveteam ni Nancy.
As far as James is concerned, si Nadine Lustre pa rin ang kanyang ka-loveteam, and only love, no doubt.
Sheryl at Sunshine ‘magkaaway’ na naman!
Balik muli bilang magkaagaw sina Sheryl Cruz st Sunshine Dizon na dati nang magkalaban sa seryeng Bakekang many years back, when they were both younger then. Ngayon ay pareho na silang mothers, and unfortunately, pareho ring hiwalay sa mga asawa.
Sa Magkaagaw na bagong serye ng Kapuso, they are literally na magkaagaw din. They have younger Kapuso talents for their co-stars at ‘yan ay sina Klea Pineda at Jeric Gonzales.
While Sunshine has always been a Kapuso, so to speak, Sheryl had appeared in projects produced by the Kapamilya.
The reason why for a time ay hindi siya gumawa ng shows sa TV at pelikula, ‘yun ay dahil tumakbo siya bilang councilor ng Tondo. But unfortunately, hindi siya nanalo.
This time, pangako ni Sheryl to focus on her showbiz career. To which Sunshine told Sheryl is a good decision.
Arjo at non-showbiz ni Carlo, inaabangan sa premiere ng Isa Pa…
Premiere tonight ng first ever movie mula sa kauna-unahang pagtatambal nina Maine Mendoza at Carlo Aquino na Isa Pa With Feelings sa Cinema 1, SM Megamall.
Directed by Prime Cruz, it’s a Blacksheep Productions.
Ngayon, ang tanong, will Maine invite her boyfriend Arjo Atayde sa premiere? At pagbigyan naman kaya siya ni Arjo?
Of Carlo, ang kanyang unang pelikula sa Blacksheep ay ang Exes Baggage na pinagbidahan nila ni Angelica Panganiban na naging box-office.
Pero since they are no longer together, it’s unlikely na dadalo si Angelica.
How about Carlo’s new girlfriend na non-showbiz?
Well, abangan.
Vice Ganda gustong ipatugtog ang Ikaw ni Sharon sa araw ng kasal niya
In last Sunday’s second week guesting nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez sa Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda, hiniling ng huli sa dalawang iconic singers na kantahin nilang tatlo ang isa sa pinakasikat na kanta ni Sharon, ang Ikaw, na madalas ding kantahin sa mga kasalan.
Type raw kasi ni Vice, ayon sa kanya, na kapag ikinasal siya ay maririnig niya ang awiting ito.
Higit sigurong hahangaan at mamo-move si Vice kapag nalaman niya ang kuwento kung bakit ito sinulat ni George Canseco (music by Louie Ocampo) at kung kanino dedicated ang nasabing kanta, and most of all, kung sino ang inspirasyon niya rito.
George had his wife na kamamatay lang at that time nang pumasok sa isip niyang isulat ito. they were each other’s first love. Pareho silang nag-aaral sa same school, kaya madalas din na the same bus ang kanilang sinasakyan tuwing pasukan at uwian.
George died in November 2004, he was 70.
In his lifetime, he composed close to 80 songs, several of which hanggang ngayon ay paborito pa ring awitin ng ating mga top and new singer, o kahit ng mga non-singer.
After all, who among us is ignorant of two of his other popular songs, maliban sa Ikaw. Ang Kapantay Ay Langit at Ngayon at Kailanman.
Bukod sa mga Tagalog song, may mga English din siyang nai-compose, all of which of course, were recorded by the then very popular Vicor Recording.
Vicor is a combination of the names of now entertainment and showbiz royalty, Vic del Rosario and Orly Ilacad, who are cousins in real life.
Of Sharon and Regine, their first concert together, Iconic, reminder lang, is on October 18 and 19 sa Araneta Coliseum.
Directed by Rowell Santiago, the musical directors are Louie Ocampo at Raul Mitra.
- Latest