^

Pang Movies

Pero sana raw tumulong din sa Manila Bay Dating beauty queen na si MJ Lastimosa tumulong sa paglilinis ng beach sa Mexico

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Pero sana raw tumulong din sa Manila Bay Dating beauty queen na si MJ Lastimosa tumulong sa paglilinis ng beach sa Mexico

Sumamang maglinis ng beach sa Cancun, Mexico ang Pinay beauty queen na si MJ Lastimosa.

Sa kanyang IG photos, naglilinis sila ng mga buhangin sa sikat na beach sa Mexico. 

“Beach cleaning today ♥? there were so many cigarette butts in our sifter, these smokers obviously could careless both of their health and the environment ?? cancun local government are doing an amazing job keeping their 7public beaches, cleaning them everyday for the people.. #saludo,” sabi ng beauty queen sa kanyang IG post.

Pero hindi lahat ay bumilib sa kanya.

Say ng ibang followers niya, sana raw ay gawin din ni MJ ang paglilinis sa Manila Bay.

Madalas magbiyahe ang beauty queen kasama ang mga ka-batch niya sa Miss Universe 2014.

Kung ang ibang mga ex-beauty queen ay sumabak sa acting like Maxine Medina, Kylie Versoza, Ariella Arida among others, travel naman ang pinagkakaabalahan ng dating Miss Universe PH.

‘Mahal na Mahal ko si Vice’ - Ion

“Mahal na mahal ko ‘yan, Kuya,” deklara ni Ion Perez kay Vice Ganda nang ‘kausapin’ siya nina Vhong Navarro at Jhong Hilario kahapon sa It’s Showtime tungkol sa relasyon nila.

Nag-dialogue kasi si Jhong ng : “Tandaan mo lang ha, kami ni Kuya Vhong mo, mga kapatid ni Vice. Alagaan mo.”

 “Ingatan mo ‘to, kasi babasagin ‘to. Kasi pag nagmahal ‘yan, purong-puro. Ayoko nang mabasag muli,” sabi naman ni Vhong.

Ow wala na ngang kailangang aminin sina Vice at Ion sa kanilang pagmamahalan.

Kung anong wish nina Jhong at Vhong, ganundin ang inaasahan ng fans ni Vice.

Ilang beses na nga namang nawasak ang puso ni Vice na ang pinaka-huli ay sa basketbolistang si Calvin Abueva.

vuukle comment

MJ LASTIMOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with