^

Pang Movies

Susan at Tirso ambassadors na rin

Mae Mercado - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa pangunguna ng MSD Philippines, ini-launched kamakailan lang ng Hope From Within ang Voices of Hope: Winning vs Lung Cancer kasama ang mga bagong lung cancer ambassador at advocate.

Ginanap ito sa Diamond Hotel, Manila nung kamakalawa na dinaluhan nina Hope From Within ambassadors at broadcast journalist Diego Castro, lung cancer patient Tetit Melendres-Aristan, Dr. Meredith Garcia at Fr. Jerry Orbos na pawang may mga personal na karanasan din sa pakiki­paglaban sa lung cancer.

Bukod sa kanila, ambassadors din sina Susan Africa at Tirso Cruz III, pero hindi sila nakadalo sa nasabing event.

Taong 2016 lang nang mabuo ang Hope From Within at layunin nito na mabigyan pa ng pag-asa ang mga nahihirapan sa cancer sa pamamagitan ng discussions at tulong na maaari nilang maibigay.

Taong 2018, umabot na sa 17,255 ang mga bagong kaso ng lung cancer, samantalang 15,454 naman ang bilang ng mga namatay na dahil dito.

Samantala, sa pamamagitan ng video na ipinadala ni Susan, ibinahagi niya ang kanyang pinagdaanan habang inaalagaan ang asawang si Spanky Manikan na isa ring batikang aktor, na hindi rin nakaligtas sa lung cancer.

Importante raw ang acceptance at pag-intindi sa kanilang nararamdaman para mapagaan ang kanilang dinadala.

Pumanaw si Spanky noong nakaraang taon dahil sa pakikipaglaban sa lung cancer. Ganunpaman, hindi tumigil si Susan sa pagsuporta at pagpapalaganap ng adbokasiya.

Noong nakaraang taon lang din pumanaw ang panganay na anak ni Tirso Cruz III na si TJ Cruz dahil din sa cancer. Sina Fr. Jerry Orbos at Tirso ay pawang mga survivor sa nasabing sakit, umabot na diumano sa stage 2 ito, pero nagawa nilang labanan.

Pinapayuhan ang lahat na magpatingin kahit walang nararamdamang kakaiba sa ating mga katawan. Ayon pa sa mga cancer ambassador at advocate, napakarami nang paraan upang pigilan ito basta’t wag lang mawawalan ng pag-asa.

vuukle comment

MSD PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with