^

Pang Movies

Martin nilalagyan ng tape ang ribs para sumeksi sa bagong pelikula!

Mae Mercado - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos na maglabas kama­kailan lang ang Metro Manila Film Festival 2019 ng unang apat na official entries, heto at ang Film Deve­lopment Council of the Philippines (FDCP) naman ang nagpasiklab sa inilabas nilang sampung magaganda ring pelikula (pitong pelikula para sa feature entries at tatlong pelikula naman para sa Sandaan showcase) mula sa pangunguna ng chairperson na si Liza Diño mula sa pakikipagtulungan din ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP).

Sa pagdiriwang ng ika-100 taong anibersaryo ng Philippine cinema, ini-reveal na noong Huwebes, July 11, sa launching ang mga kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino 3 na ipapalabas at mapapanood naman sa September.

Isa-isa na ring ipinasilip ng pitong feature entries ang kanilang trailer, at una na nga rito ay ang Cuddle Weather starring Sue Ramirez at RK Bagatsing; LSS (Last Song Syndrome) starring Khalil Ramos at Gabbi Garcia; I’m Ellenya L nina Maris Racal at Inigo Pascual; G! nina McCoy de Leon, Kid Yambao, Paulo Angeles at Jameson Blake; Watch Me Kill starring Jean Garcia, Jay Manalo at Junyka Santarin; Open starring JC Santos at Arci Muñoz, at ang pinakahuli sa lahat na talaga namang trailer pa lang ay pinalakpakan na ng todo, ay ang Panti Sisters na pinagbibidahan nina Paolo Ballesteros, Christian Bables at Martin del Rosario.

Sa mismong launching ay si Paolo lamang ang wala, kasama naman nina Christian at Martin na umakyat ng stage ang kanilang direktor na si Jun Lana.

Samantala, naitanong kay Martin kung pareho ba sa karakter niyang si Barbs ng pelikulang Born Beautiful ang karakter niya ngayon bilang Daniel sa bagong pelikula, “Malayo eh, malayo. Si Barbs kasi kahit papano, street smart. Yun talaga, talakera. Itong si Daniel kasi, more on medyo sosyalin na brat na K-Pop. Ayan, sabihin mo palang yung K-Pop ang dami nang pagkakaiba sa kanila.”

Nahirapan ba siya sa pagpapakabeki?

“hindi naman, masakit lang pag kailangang paseksihin, kasi nilalagyan ng packaging tape yung ribs para… (magka-curves), pati sa bathing suit may nilalagay din,” kuwento ni Martin.

Nagbigay naman ng pahayag si Christian tungkol sa mga netizen na namba-bash sa LGBT Community at sa nakaraang Pride March.

“I attended the Pride March because I am proud ally of the LGBT community, and then, there are people na, magtatanong na ‘why? I need an explanation’? so for me, why do I have to explain?

“Pinangaralan ko siya, kasi ayan ang hirap ngayon eh, sorry for the term, kumbaga lason siya. Lason siya sa lipunan, yung mga ganong klase ng mindset, pero hindi ko sila sinisisi kasi nakaugalian na yun eh, pero hindi porket nakaugalian, eh tama na.”                                            

METRO MANILA FILM FESTIVAL 2019

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with