^

Pang Movies

Jazz singer na si Jacqui Magno pumanaw na rin

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Jazz singer na si Jacqui Magno pumanaw na rin

Kapwa singers ang nakaalala sa jazz singer na si Jacqui Magno na binawian ng buhay dahil sa pancreatic cancer. Eh halos nakasabay ng singer sa kamatayan si Eddie Garcia kaya iilan lang ang nag-post sa social media.

Ilan sa nag-post ng pagyao ni Magno ay sina Dulce, Lea Salonga, Dennis Garcia ng Hotdog band.

Kinumpirma ang balita ng talent manager na si Girlie Rodis at pinsan ni Jacqui na sumakabilang buhay na.

Naging vocalist ng kilalang Circus Band si Jacqui na noong 2013 ay nagkaroon ng reunion concert sa Cebu City.

Abo ni Eddie hindi isinaboy sa Manila Bay

Hindi isasaboy sa Manila Bay ang abo ni Eddie Garcia. Ito ang naging pahayag ni Bibeth Orteza sa unang lamay ng labi ng veteran actor sa Heri­tage Memorial Park.

Joke lang ang naging pahayag ni Tito Eddie nu’ng nabubuhay pa. Sinabi ni Bibeth na dadalhin sa Bicol ang abo ni Garcia at itatabi sa labi ng kaibigan niya, ang father ng partner niyang si Lilibeth.

Patuloy pa rin ang pagdagsa ng nakikiramay sa wake ni Tito Ed. Ilan sa bumisita ay ang senior stars na sina Nova Villa, Lorli Villanueva, at Boots Anson.

Derek at Andrea magpapatikim na!

Isasalang na ngayong July ang unang series ni Derek Ramsay bilang Kapuso artist, ang The Better Woman.

Mapanukso ang role ni Andrea Torres bilang pole dancer na nanunukso kay Derek.

Sa Instagram post ni Derek, aminado siyang tough ang paggawa niya ng series, “but definitely worth it.”

Naku sa mediacon ng series next, humanda ang Kapuso hunk na putaktihin siya sa tanong sa personal life, niya, huh! Ang Derek-Andrea series ang papalit sa matatapos nang Kara Mia.

vuukle comment

JACQUI MAGNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with