^

Pang Movies

Maraming artistang talunan, mabilis nag-concede

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Maraming artistang talunan, mabilis nag-concede

Bagama’t marami sa mga artistang tumakbo nitong katatapos lamang na halalan ang nanalo sa mga tinakbuhan nilang posisyon, hindi rin maikakailang marami rin ang sinawing-palad na matalo.

Sinu-sino nga ba ang celebrities na nanalo at natalo sa nakaraang eleksyon?

Sa Senatorial bid, as we write ay pasok sina Lito Lapid at Bong Revilla habang nalaglag naman si Jinggoy Estrada.

Panalo rin si Isko Moreno bilang Mayor ng Maynila at tinalo niya ang incumbent na si Joseph “Erap” Estrada.

Sa pagka-Vice Mayor naman ng Quezon City, maagang nag-concede si Roderick Paulate at maluwag na tinanggap ang pagkatalo.

Si Richard Yap na tumakbo namang Representative sa 1st district ng Cebu ay natalo rin at sa kanyang Facebook account ay nagpahayag ng pagkalungkot ang actor subalit nagpasalamat naman sa lahat ng sumuporta sa kanya.

Win din si Vilma Santos para sa kanyang 2nd term bilang Congresswoman ng Lipa Batangas habang ang ex-husband naman niyang si Edu Manzano ay kasalukuyang natatalo bilang Congressman ng San Juan.

Panalo rin si Dan Fernandez na tumakbong Congressman ng 1st District ng Laguna, gayundin si Daniel Fernando bilang Governor naman ng Bulacan.

Hindi naman pinalad ang tatay ni Daniel Padilla na si Rommel Padilla na tumakbong Congressman ng 1st district ng Nueva Ecija.

In her IG account ay nagpasalamat na ang dating karelasyon ni Rommel na si Karla Estrada sa mga sumuporta sa ama ni Daniel.

“Maraming maraming salamat sa inyong lahat! Hindi man tayo pinalad ay nag uumapaw ang damdamin namin sa lahat ng naniwala,nag-sakripisyo at nagmahal ng totoo na walang kapalit na kahit magkanong halaga. Kayo ang panalo sa amin! Salamat sa pagkakataon na nagkasama sama tayo! Mabuhay kayong lahat mahal na mahal namin kayo. hanggang sa muli nating pagsasama.Puso Laban sa Pera.TO GOD BE THE GLORY,” ang post ni Karla.

Panalo naman si Alfred Vargas para sa kanyang ikalawang termino bilang Representative ng 5th District of QC. Iprinoklama na siya kahapon.

Nanalo rin ang mag-asawang Richard Gomez and Lucy Torres bilang Ormoc City Mayor and 4th District of Leyte Representative respectively.

Panalo rin si Lani Mercado para sa kanyang pangalawang termino bilang Mayor ng Bacoor dahil ang laki ng lamang niya sa kalaban. Unopposed naman ang anak niyang si Jolo Revilla bilang Vice Governor ng Cavite.

As of yesterday din ay nangunguna sa bilangan si Imelda Papin para sa pagka-Vice Governor ng Camarines Sur.

Nangunguna naman si Jestoni Alarcon sa bilangan as of yesterday as provincial board member of Rizal’s first district gayundin si Jhong Hilario bilang Councilor naman ng first district of Makati.

Si direk Lino Cayetano naman ay ipinroklama na kahapon bilang Mayor ng Taguig City.

EDU MANZANO

ROMMEL PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with