^

Pang Movies

Komedyanteng si Bentong matagal nang may sakit bago namatay

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Komedyanteng si Bentong matagal nang may sakit bago namatay

Namatay kahapon ang Bicolanong komedyante na si Bentong, Domingo Vusotros Brotamante sa tunay buhay.

 

Fifty five years old si Bentong na umano’y namatay dahil sa complication sa diabetes.

Kumalat kahapon sa social media ang Facebook post ng kanyang son in law na si Arvin Vincent S. Anierdes na kumumpirma sa pagpanaw ng komedyante.

“Rest in Peace Papa Bentong hindi ko akalain na heto na ang ating huling pagsasama alam ko kasama mo na ang Panginoon ngayon kaya panatag narin ang loob ko. Maraming maraming salamat Papa sa pag aaruga sa Pamilya naten. Maraming salamat din dahil napakarami mo napasayang tao. Mahal na mahal ka namin Pa.

#Bentong was born on January 12, 1964 in Tabaco, Albay, Philippines as Domingo Vusotros Brotamante He passed away this mor­ning February 09, 2019 Saturday at approximately 5am in Fairview Ge­neral Hospital.”

Sa game show na Wowowin huling napanood si Bentong bago siya nagkasakit at tuluyang pumanaw.

Sa ABS-CBN production siya nagsimula hanggang madiskubreng komedyante at matagal siyang naging bahagi ng dating noontime show na Magandang Tanghali Bayan.

Lutong pilipino, bibida sa local legends 

Kilalanin ang mga natatanging indibidwal na malaki ang kontribusyon sa pagpapatuloy ng tradisyon ng lutong Pilipino.

Ngayong Pebrero 10 sa Sunday’s Best, ipapalabas ang isang edisyon ng Local Legends kung saan ilalahad ang mga kwento sa likod ng mga paboritong putahe sa Pampanga, Nueva Vizcaya, Cavite, at Romblon, at ang mga taong bihasa sa paggawa o pagluto ng mga ito.

Sa Pampanga, buo pa rin ang tradisyon ng biskwit na Panecillos de San Nicolas dahil kay Atching Lillian Lising-Borromeo, isang kilalang awtoridad sa pagkaing Kapampangan. Sa Nueva Vizcaya naman, nananatiling buo ang tradisyon ng tribong Kalanguya dahil pinapagsama-sama sila ng ritwal sa pagluluto at paghahanda ng katakam-takam na Batang-Batang.

Tampok rin sa Local Legends ang Bibingkoy, isang kakaibang kakanin mula sa Cavite, na patuloy na tinatangkilik dahil sa striktong pagtuturo ng tamang luto ni Lolit Alejo. Paborito naman ng ibang mga Pilipino ang Sarsa mula sa Romblon, dahil sa timpla ni Azon Manato. 

Nakapag-ere na ng dalawang season ang Local Legends sa ANC, the ABS-CBN News Channel, hatid ang mga koleksyon ng kwentong nais itaguyod ang kultura at pamana ng Pilipino.

BENTONG

DOMINGO VUSOTROS BROTAMANTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with