^

Pang Movies

Suklay Diva na si Katrina, makakasama sa concert si Gary V

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Suklay Diva na si Katrina, makakasama sa concert si Gary V
Katrina Velarde

Anim o pitong taong gulang pa lamang noon ang tinaguriang `Suklay Diva’ na si Katrina Velarde ay mahilig na siyang sumali sa iba’t ibang amateur singing competition kung saan siya madalas manalo at makapag-uwi ng cash prize and trophy. Ang cash ay naibibigay niya sa kanyang magsa-sampaguitang ina para makatulong sa kanilang gastusin dahil hindi naman sapat ang kinikita ng kanyang ama na isang namang karpintero.

Malaki ang naitulong ng pagiging kontesera ni Katrina sa kanyang pamilya hanggang sa kanyang paglaki. Dati rati’y nakatira sila sa isang squatter’s area in Tondo at saka sila lumipat sa isang nirerentahang apartment in Novaliches, Quezon City. Next year ay lilipatan na nila ng kanyang pamilya ang kanyang hinuhulugang townhouse in Caloocan at umaasa siya na sa taong ito ay makakabili na siya ng sariling sasakyan na kailangan niya sa kanyang trabaho bilang singer-performer.

Sa darating na February 1, 2019 ay magiging isang  katuparan ng mga pangarap ni Katrina bilang isang singer-performer dahil siya na ang bida ng kanyang kauna-unahang major concert na gaganapin sa New Frontier Theater (dating KIA Theater) na pinamagatang SiKat Ako with no less Mr. Pure Energy himself, Gary Valenciano as her special guest performer, ang BuDaKhel, Adlib Dancers at iba pang surprise guests.

Ito’y nakatakdang idirek ng singer and stage director son ni Gary V. na si Paolo Valenciano with Mon Faustino as musical director.  Ang nasabing concert ay co-produced ng Manila Genesis Entertainment and Management, Inc. at ng Viva Live na siya ring namamahala ng career ni Kat.

vuukle comment

KATRINA VELARDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with