^

Pang Movies

TV host/comedian na may sariling brand ng make up naloka nang pagamitin ng ibang brand

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Nairita ang isang TV host/comedian sa taping ng kanyang talk show.

May segment kasi dapat na may make-up demo ang kanyang mga guest, nagulat na lang si TV host/comedian na imported make-up brand ang gagamiting brand doon.

Natural lang na mairita TV host/comedian dahil may sarili nga naman siyang make-up brand, so, bakit nga naman ibang make-up brand pa ang mapo-promote sa segment na ‘yon, ‘noh?!

Sa irita ni TV host/comedian, hindi na kinunan pa ang segment at dumeretso na siya sa kanyang dressing room.

Pinagsabihan nga raw ni TV host/comedian ang staff ng kanyang talk show tungkol doon.

In fairness kay TV host/comedian, hindi naman siya nag-walkout sa taping dahil may isa pa siyang episode na kinunan, huh!

Pops at Martin nagbukingan na naman!

Pumunta ako noong isang gabi sa burol ng kapatid ni Pops Fernandez, si Edwin Fernandez.

Medyo emotional si Pops at nami-miss daw niya ang kanyang kapatid.

Dinatnan ko rin doon ang nanay ni Pops, si Ms. Dulce Lucban na nagkukuwento tungkol sa kanyang anak na si Edwin.

Kahit emotional si Pops, may mga iba rin kaming napagkuwentuhan bukod sa pagkamatay ng kanyang kapatid.

Ipinakita sa akin ni Pops ang teaser ng guesting ng ex-husband niyang si Martin Nievera sa kanyang Pops-sibilities online show.

Sobrang thankful ni Pops sa pagpayag ni Martin na mag-guest sa kanyang online show.

Napakarami nilang napag-usapan doon at marami ring bukingan, kaya naman may part two raw ang guesting ng dati niyang mister.

Wala nga pala sa burol ni Edwin si Martin dahil nasa Amerika siya ngayon at doon magki-Christmas kasama ang bunsong anak na si Santino.

Sa December 29 ang balik sa bansa ng Concert King.

Going back to Pops’ brother, bukas ng umaga ang cremation ni Edwin after ng 10:00AM mass sa Heritage Memorial Park.

Raymond aligaga sa rami ng trabaho

Ang dating sa bansa ngayon umaga ni Raymond Gu­tierrez mula sa Los Angeles, California.

Uuwi lang sandali sa kanyang condominium unit si Raymond at magsu-shoot na ng isang bagong endorsement.

“Hopefully I can bond with the family on Sunday,” sabi ni Raymond nang makausap ko kahapon habang papunta ng airport.

MayWard pinakamatunog!

Hindi maikakailang sobrang sikat ngayon ng love team nina Maymay Entrata at Edward Barber.

Sa tatlong love teams daw na kasama sa Fantastica, ang MayWard daw ang pinakamatunog ngayon.

Pero siyempre, hindi rin naman nagpapahuli ang love team nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio, pati love team nina Kisses Delavin at Donny Pangilinan.

vuukle comment

COMEDIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with