^

Pang Movies

Mga bagong beauty queen ‘di pa nakaka-jackpot ng korona

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Mukhang hindi suwerte ang mga kandidata natin sa mga beauty contest na sinalihan nila.

Wala pang nakakapag-uwi ng korona. Hindi tulad ng mga nakaraang taon na ang dami natin nauwi na panalo.

Ano nangyari? Baka naging relax tayo, hindi na naman pang international standard ang napili natin.

Dapat siguro maging mataas uli ang standard ng mga talent scout natin, at dapat gumana uli ang magic wand ni Jonas Gaffud na hindi talaga matatawaran ang mga mata pagdating sa beauty contests at contestants.

O baka naman medyo naubos na ang suwerte natin na dapat hanapin uli. Pero kahit ano pang sabihin meron na rin naiwan tatak ang mga Filipina sa mga sinalihan na contest, kaya buwelo lang ulit, sure ako tambak-korona na naman tayo sa mga susunod na taon.

Ngayon pa, hasang-hasa na at alam na alam nila ang mga dapat gawin.

Sige Jonas Gaffud, ilabas uli ang magic wand para sa next beauty pageant, bring home the bacon ladies to the land of beauty and patience, the Philippines.

Gladys gumawa ng sariling tribute para kay Rico

May sariling tribute si Gladys Reyes kay Rico Puno dahil muling ipinalabas sa MOMents ang replay ng guesting ng OPM King sa talk show niya sa Net25.

Affected si Gladys sa pagka­matay ni Rico dahil “kapatid” niya ang singer sa Iglesia Ni Cristo.

Matagal nang member si Rico ng INC kaya dito sila ikinasal noon ng kanyang ex-wife na si Doris Tayag.

Madaldal na host si Gladys as in hindi ito nauubusan ng mga sasabihin pero tumiklop siya nang umapir si Rico sa show niya.

Tumawa lang nang tumawa si Gladys sa mga nakakatawa na statement at biro ni Rico na natural comedian kaya nagbida noon sa mga comedy movie at mga sitcom.

Anak ni Michael V. nagpasampol ng galing

Anak pala ni Michael V. ang kumanta ng Ayoko Na na narinig for the first time sa episode ng Pepito Manaloto noong nakaraang Sabado.

Marami ang nagandahan sa kanta at sa boses ng singer kaya ipinagtanong nila ang name ng mystery singer.

Lumabas ang totoo na ang second child ni Michael V. na si Brianna ang umawit ng kanta na malaki ang posibilidad na maging isang hit song.

Si Michael V. ang composer ng kanta na instant favorite ng mga mahihilig sa mga hugot song.

Ang mga talented singer na kagaya ni Brianna ang dapat na pinapipirma ng kontrata ng GMA Records, ang recording company ng GMA-7.

Aktor na boyfriend ang isang mega rich gay, nakahanap na ng kapalit niya

Hurting ang aktor dahil ipinagpalit siya ng kanyang gay boyfriend sa ibang mhin.

May dahilan para masaktan ang aktor dahil pinili niya ang gay boyfriend kesa sa matanda pero mega rich gay na inlove na inlove sa kanya.

Talagang nasa huli ang pagsisisi dahil hindi na maibabalik ng aktor ang nakaraan. Pinipilit niya na suyuin ang older rich gay pero ito na ang lumalayo sa kanya.

Nagsalita nang tapos ang old rich gay na hindi na magkakaroon ng Part 2 ang relasyon nila ng aktor dahil nagising na rin siya sa katotohanan. Ang feeling ng aktor, nakahanap na ng bagong inspiras­yon ang gay na mayaman na sobra ang pagmamahal sa kanya noon.

vuukle comment

JONAS GAFFUD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with