^

Pang Movies

Trick or Treat patok na rin sa street kids

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Hindi na masyadong bumibenta ang mga patalbugang Halloween costume ng mga artista. Ok lang, parang nasanay na ang fans nila na kanya-kanya sila ng ganap sa social media para mapansin.

 

Saka ang puna ngayon, hindi na lang pang-sos­yal ang Halloween. Noon kasi, mga sosyal lang ang nagkakaroon ng party tuwing Undas. Ngayon pati street kids may trick or treat na rin. Namamasyal sila na naka-make up at nanghihingi na rin ng mga candy na parang Pasko lang.

‘Sakitan’ nakatulong sa concert ng ElNella

Nakatulong ang isyung ‘sakitan’ nina Elmo Magalona at Janella Salvador sa kanilang concert sa Canada ngayon kasama sina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.

Flooding ang group photo nila kasama ang KathNiel para patunayang ginawa nila ang trabaho nila kahit may isyung kinakaharap.

Buy Bust at seven Sundays nasa Netflix na

Halos mga bagong Tagalog films ang ipalalabas sa Netflix.

Kasama na ang Buy Bust at Seven Sundays na hindi pa gaanong natatagalan nang ipalabas sa mga sinehan.

Kasama rin sa mapapanood na ang Heneral Luna, Kita Kita, Beauty and the Bestie, My Ex & Whys, It Takes A Man And A Woman at Starting Over Again.

At least kahit papaano may papasok nang Tagalog films sa nasabing international platform na matinding kakumpetensiya ng mga sinehan.

May Forever si Lola’

Totoo ba na ang “forever” ay walang kinikilalang edad?

Hanggang saan mo ipaglalaban ang pag-iibigan na halos ilang dekada ang inyong agwat?

Isang dakilang kuwento ng pag-ibig ng isang lalaki na 32 taong gulang na umibig sa isang babae na 76 taong gulang na gagampanan nina Ms. Gina Pareño at Jay Manalo.

Paano kaya nila haharapin ang kanilang buhay pag-ibig na halos 44 taon ang kanilang agwat? Matanggap kaya ng kani-kanilang pamilya?

Makakasama rin sa nasabing episode sina Mel Kimura, Aira Bermudez, Hannah Precillas at Tonio Quaizon na pinamagatang May Forever si Lola: The Renato Payos and Eloisa Gonzales Love Story sa ilalim ng direksyon ni Neal Del Rosario, panulat ni Gina Marissa Tagasa.

Mapapanood ito ngayong Sabado (November 3) sa Magpakailanman, pagkatapos ng Daddy’s Gurl.

vuukle comment

TRICK OR TREAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with