^

Pang Movies

PMPC Star Awards For Television inaasahang dadagsain

Joe Barrameda - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling magniningning ang entablado sa pagtitipun-tipon ng mga natatanging alagad ng telebisyon, sa Gabi ng Parangal ng 32nd Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards For Television, sa ika-14 ng Oktubre, 2018, sa Henry Lee Irwin Theater, Ateneo de Manila University, Quezon City.

 

Kabilang ang pinakamataas na parangal na Best TV Station, bibigyan din ng pagkilala ang mga natatanging programa, hosts, newscasters at mga artista, na taun-taon ay inaabangan ng mga manonood ng telebisyon.

Magsisilbing hosts sa gabing ito sina Jodi Sta. Maria, Julia Barretto, Yassi Pressman, at Robi Domingo.

Aawitin nina Kiana Valenciano, Isabela Vinzon at Jayda Avanzado ang isang Ariana Grande medley. Paiinitin naman nina Jerome Ponce, McCoy de Leon, Charles Kieron, Heaven Peralejo, Vivoree Esclito at Michelle Vito ang entablado sa isang dance number.

Sing and dance number naman ang ihahandog ni Vina Morales, habang Barry Manilow medley naman ang handog ng Broadway Boys na sina Francis, Joshua at Benedict kasama si Mitoy Onting.

Ngayong taon, ang Ading Fernando Lifetime Achievement Award ay ipagkakaloob kay Quezon City Mayor Herbert Bautista; ang Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award naman ay kay Arnold Clavio.

Tatanggapin naman nina Coco Martin at Yassi Pressman ang German Moreno Power Tandem of the Year.

Samantala, dahil umabot na sa 15 awards ang ASAP bilang Best Musical Variety Show, iluluklok ang programa sa Hall of Fame Award, at mapapahanay ito sa mga nauna nang Hall of Famer na Maalaala Mo Kaya (Best Drama Anthology), Bubble Gang (Best Gag Show), Eat Bulaga (Best Variety Show) at Boy Abunda (Best Male Showbiz Oriented Talk Show Host).

Sa pamunuan ng inyong lingkod bilang pangulo, ang 32ndPMPC Star Awards For TV ay mula sa produksyon ni Ms. Tess Celestino ng Airtime Marketing Philippines at sa direksyon ni Bert de Leon. Mapapanood ang kabuuan ng palabas sa Oktubre 28, 2018, sa ABS-CBN Sunday’s Best pagkatapos ng Gandang Gabi Vice.   

PHILIPPINE MOVIE PRESS CLUB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with