^

Pang Movies

Claudine umaming may problema sa pera!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Claudine umaming may problema sa pera!
Claudine Barreto

Mangiyak-ngiyak na inamin ni Claudine Barreto na dumadaan siya ngayon sa pinansyal na pagsubok, kaya mas lalong kailangan niyang magtrabaho ng mabuti para masustentuhan ang kanyang dalawang anak na sina Sabina and Santino.

Nag-aaral ang dalawa sa private schools at as much as possible, gusto niyang sa nasabing school manatiling enrolled and dalawa.

Only in her late 30’s, Claudine has maintained her looks and is even sexier.

Tinanong namin kung bakit ‘di natuloy ang supposed movie nila ng dating boyfriend na si Mark Anthony Fernandez, under Viva Films, Claudine chose to keep quiet about the issue.

Tikom din ang bibig niya sa current state ng relasyon nila ng asawang si Raymart Santiago.

Yes, they are still married, aniya.

“Basta right now,” aniyang taimtim, “ipinasasa-Diyos ko na lang ang lahat.”

“Prayers give me the courage I need.”

Direk Paul alam na agad ang gusto simula pagkabata

Alam n’yo ba kung bakit Ten17 Productions ang napiling pangalan ni Direk Paul Soriano sa kanyang produksyon?

Well, he was born October 17, 1981 kasi, at October 17 ang premiere ng pelikula niyang First Love kung saan ang lead role niya ay sina Aga Muhlach at Bea Alonzo na first time rin magtambal. Co-produ­cer ang Ten17 Productions ng Star Cinema at Viva Films sa nasabing pelikula.

Excited na raw si Direk Paul dahil bukod sa kanyang kaarawan at premiere ng First Love, ay birthday din daw ni Bea. Ka-birthday din nila ang Star Cinema managing director na si Direk Olive Lamasan.

Sa Vancouver, Canada kinunan ang kabuuan ng First Love at kasama rin sa cast sina Sandy Andolong, Albie Casiño at Edward Barbers.

Anak ni Aga excited makaharap si Bea

During the presscon ng First Love, natanong si Direk Paul kung sino ang kanyang first love. “My Wife,” mabilis niyang sagot.

Ang kanyang asawa of course ay si Toni Gonzaga at may anak na silang one-year-old boy na si Seve.

Born to showbiz na maituturing si Direk Paul, ang kanyang lolo na si Nestor de Villa ay isang matinee idol noong 60’s. Ang kanyang tatay na si Jeric So­riano ay dati ring direktor at ngayon ay kilala nang Pastor of a congregation, kung saan isa sa mga miyembro nito ay si Pambansang Kamao, Manny Pacquiao. Isang pelikula lang ang naidirek noon ni Jeric, at ito ay ang pelikulang Hotshots kung saan si Aga rin ang bida.

“When I saw that film, when I was not yet even in my teens, I know immediately what I wanted to be when I grow up.

“And in my short bucket list was included na mai-direk si Aga sa isang movie,” tukoy pa ni direk Paul, na sinang-ayunan naman ni Bea at sinabing, “dream big and follow that dream. Maabutan mo tiyak ito,” susog pa ni Bea.

Of Bea, inamin niyang strong as ever pa rin ang relasyon nila ni Gerald Anderson.

But at 31 she is not in a hurry to marry yet. Marami pa raw siyang pangarap na dapat tuparin. Lalo pa nga raw at napatunayan niyang dreams do come true.

Dream niya na makatambal sa pelikula si Aga at nagkatotoo na nga ito.

Of Aga he will surely bring wife, Charlene, and their twins, Andres and Atasha, sa premiere ng First Love.

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Atasha pag nakaharap na si Bea? Hanga raw kasi ito kay Bea bilang isang aktres. First time ito ni Atasha na makaka-face to face si Bea.

Aga and Charlene’s twins are turning 17 this November.

CLAUDINE BARRETO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with