^

Pang Movies

Ivan at Barbie fans, umaasa na magkakatuluyan sila

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Ivan at Barbie fans, umaasa na magkakatuluyan sila
Ivan at Barbie

Parang more than two months na sa Los Angeles, California ang GMA 7 actor na si Ivan Dorschner.

Wala na bang balak bumalik sa bansa si Ivan?

Sabi ng isang taga-GMA Artist Center, extended lang daw ang bakasyon ni Ivan, pero once raw na magdesisyon na ito na bumalik ng bansa ay hahanapan na nila ng projects.

Wala pa rin daw kasing naka-line-up na bagong series for Ivan.

Samantala, ang mga fan ng VanBie love team niya with Barbie Forteza, aba, hanggang ngayon pala ay umaasa pa rin na magkakaroon ng project together ang dalawa.

Feeling ng mga fan ng VanBie, si Ivan pa rin ang pinakabagay kay Barbie.

Pero mukhang malabo pa namang mangyari ‘yon dahil ‘yung Inday Will Always Love You na tambalan nina Barbie at Derrick Monasterio ay may book two pa.

Sa katunayan, may presscon ngayon ang Inday Will Always Love You para i-announce kung ano ang dapat asahan ng mga fan sa book two ng nasabing romantic-comedy series.

Tessie maagang natanggap ang pagiging beki ng anak

Never ikinaila ng veteran comedienne/actress na si Tessie Tomas ang tungkol sa pagiging bading ng anak niyang si Robin Tomas na based sa New York City.

Actually, si Tessie pa nga ang nagkukuwento na nagpakasal si Robin sa boyfriend nito.

Noong bata pa raw si Robin, nahalata na raw ni Tessie na may pagkaganun ang anak, pero at 15, saka pa lang ito nag-open-up sa kanya.

Pero noon nga raw, may designs pa ng mga damit si Robin na feeling niya ay katulad ng mga damit niya noon sa Meldita, stand-up comedy show niya.

Samantala, dahil magtatapos na bukas ang The Blood Sisters na pinagbibidahan ni Erich Gonzales at regular cast nga siya, magpapahinga raw muna siya.

Pupunta ng United Kingdom si Tessie at medyo magtatagal sila roon ng mister niya.

Sa ngayon nga pala, nami-miss man ni Tessie ang morning talk show niya na Teysie ng Tanghalan at ang ilang comedy shows, alam daw niya na hindi ito ang panahon para balikan niya ‘yon.

Samantala, “pasabog” daw ang finale episode bukas ng The Blood Sisters, kaya dapat abangan ‘yon!

Ogie walang pahinga para sa concert

Kapuri-puri talaga si Ogie Alcasid. On time talaga siyang dumating kahapon para sa press interview niya sa OA: Ogie Alcasid 30th Anniversary Concert niya.

Hindi niya idinahilan na kadarating pa lang niya ng 9:30AM kahapon mula sa New York City para ma-late sa kanyang press interview.

After din ng press interview, nag-rehearse naman siya para sa OA.

Sobrang excited ni Ogie para sa 30th anniversary concert at mino-monitor din mismo ang bentahan ng tickets nila.

Mamaya, may taping naman si Ogie para sa Tonight with Boy Abunda para i-promote ang OA.

Sobrang na-miss nga pala ni Ogie ang misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid at mga anak na sina Nate at Leila, pero si Nate raw, wala sa bahay dahil nasa school pagdating niya. So, sa gabi na raw sila naka-bonding.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

IVAN DORSCHNER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with