Kalandian ni Joshua hindi malimutan n i Julia
Ika-apat na pelikula na pala nina Joshua Garcia at Julia Barretto ang pelikulang I Love You Hater at kung titingnan mo, simula noong first movie nila na Vince & Kath & James, malayo na rin ang narating ng kanilang JoshLia loveteam.
Sa pocket presscon nga kahapon ng magka-loveteam para sa I Love You Hater na ginanap sa Star Cinema office, masaya sila pareho na andito pa rin sila at magkasama pa rin.
“Eto pa rin kaming dalawa sa table na ito, kung saan nagsimula talaga ang lahat,” natatawang sabi ng young actress.
“Nandito ba kayo no’n nung blogcon ng VKJ? Di ba ang kulit-kulit pa namin nu’n, ang landi pa ni Josh no’n, tapos ako dedma. Tapos ngayon, di ba, nakiki-join na rin ako,” sey pa ni Julia na natatawa.
Sa Wednesday (July11) na ang showing ng I Love You Hater at aminado sila na siyempre, kabado pa rin sila.
“It’s crazy actually, kanina nun’g minention nga na parang ilang days na lang (before the showing), parang nag-skip ‘yung heart ko. Everytime na may lumalabas na pelikula, my heart really beats so fast, and I get so nervous and excited,” sey pa ng young actress.
Ayon naman kay Joshua masaya siya para sa kanilang dalawa ni Julia pero masaya rin daw siya para sa kanilang direktor sa movie na si Giselle Andres.
“Kasi siya ‘yung sobrang na-pressure bago magsimula ‘yung pelikula kasi siyempre, kasama niya si Miss Kris (Aquino). Ngayong lalabas na siya, masaya ako para sa ‘yo, direk, may bago ka na namang pelikula,” sey ni Joshua.
Creator ni Victor Magtanggol, dumipensa sa panggagaya
Nagsalita na ang concept creator ng Victor Magtanggol na si Jules Katanyag hinggil sa isyung kopya raw sa Marvel hero movie na Thor ang bagong seryeng pinagbibidahan ni Alden Richards sa Kapuso network.
Ayon kay Katanyag, pinaghirapan nila ng creative team na buuin ang konsepto ng Victor Magtanggol.
“After close consultation with my senior creatives, we came up with a timely story that best reflects the Filipino condition. We live right now in a time of uncertainty; the world as we know it is on the brink of chaos.
“In the Norse mythos, chaos is represented by the demi-god Loki. And as this disorder creeps in, we are in need of a representative hero to protect our world and those that we love,” pahayag ni Katanyag sa exclusive interview niya with GMA Network.
Dagdag pa niya, “In the Norse myths, the time of the Gods ended with Ragnarok, but since the story is set in the present day, and the story is set in our country, this necessitates a character that best represents our identity and our passion to protect the things that we love—this necessitates the creation of a hero that will protect us from chaos. Thus, Victor Magtanggol is created.”
Ang Thor daw ay inspired by Norse mythology which is a public domain which means hindi ito copyright ng kahit sino at maaaring gamitin ng kahit sino nang walang permiso mula sa kahit sino.
Bagama’t pareho raw ang source material ng Thor at Victor Magtanggol, magkaiba raw ang storya ng dalawa.
“Victor Magtanggol is a true Filipino character, who loves his country and family, and reflects our virtue of resilience and capacity to sacrifice for the things that we love,” paliwanag pa ni Katanyag.
Ilang linggo na lang at mapapanood na natin ang much-anticipated action series ng Pambansang Bae at abangan na lang ang mga susunod na announcement ng Kapuso network tungkol dito.
- Latest