^

Pang Movies

High maintenance actor matagal sinustentuhan ng society girl na GF!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Aware kaya ang isang aktor na nagkuwento ang isang society girl na nakarelasyon niya tungkol sa mga hirap na dinanas nito noong magkarelasyon pa silang dalawa?

“High maintenance” raw kasi si aktor at kahit nga mayaman ang pamilya ni society girl, hindi naman daw puwedeng iasa niya sa mga ‘yon ang maluhong pamumuhay ni aktor.

Dumating daw sa puntong apat ang trabaho ni society girl dahil kailangan nga niyang tustusan ang lahat ng pangangailangan ng aktor na karelasyon that time.

Nang maghiwalay raw sila, natigil din ang pagiging kayod-marino ni society girl.

Natuwa rin daw ang pamilya ni society girl na iniwan na ito ni aktor.

Marami pang kuwento si society girl tungkol sa ex-boyfriend na aktor at nagulat nga ang isang society girl na showbiz correspondent ng isang TV network dahil wala raw preno-preno ang ex-girlfriend ni aktor sa pagkukuwento tungkol doon.

“Naiisip ko nga, baka gusto rin niya (society girl) na ma-expose ‘yung tungkol sa mga luho ni _______ (pangalan ni aktor), kaya wala rin siyang tigil sa pagkukuwento,” sey ni showbiz correspondent.

Well…Regine payag makipagtapatan kay Ogie

Sa press launch ng The Clash, ang singing competition ng GMA 7, Araw Gabi ang kinanta ni Regine Velasquez-Alcasid, kaya during the Question & Answer portion, inusisa ko ang Asia’s Songbird kung pahiwatig ba ang kantang ‘yon na Araw at Gabi siyang magre-reyna tuwing Saturday dahil nga may Sarap Diva siya sa umaga at may The Clash nga sa gabi.

“Alam mo, maganda ‘yan, swak na swak,” natatawang sagot ni Regine na na-realized nga na dalawa na nga pala ang shows niya sa Kapuso network tuwing Staurday starting July 7.

Pero nilinaw naman ni Regine na pati Sunday ay mapapanood din ang The Clash, kaya nga sa weekly taping nila ay dalawang episodes ang kinukunan nila.

Masaya rin daw si Regine na magkasama uli sila ni Lani Misalucha.

Isa kasi si Lani sa tatlong judges sa The Clash kasama sina Christian Bautista at AiAi delas Alas.

Samantala, hindi naman sure si Regine kung magkakatapat ba ang The Clash at Your Face Sounds Familiar Kids sa ABS-CBN ng mister niyang si Ogie Alcasid Alcasid.

Hindi raw kasi niya kabisado ang time slot ng show ni Ogie, pero kung magkakatapat man daw sila, wala siyang magagawa dahil trabaho lang ‘yon.

Laban lang daw dahil pareho naman silang professional ni Ogie.

Samantala, sinabi ni Regine na ang alam niya kaya gumagawa ng ganoong klase ng show ang GMA 7 ay para maka-discover ng bagong singers dahil balak nga na gumawa pa ng isang musical show.                   

AiAi gustong ibalik ang misteryoso sa mga artista

Dahil pare-parehong singers sina Regine, Christian at Lani, hindi na umaasa si AiAi na makipagsabayan sa mga ito sa pagkanta kung sakaling mabibigyan sila ng chance na magawa ‘yon sa The Clash.

Dadaanin na lang ni AiAi sa outfit sa bawat episode ng The Clash ang labanan.

Marami na raw siyang designs/concepts na naiisip para sa bawat episode ng The Clash at pangabog nga raw ang isusuot niya palagi.

Si Ai Ai, sa tulong ng isang stylist, ang nag-iisip ng mga isusuot  niya.

Tumitingin daw siya ng mga idea sa internet at binabago lang ‘yon ayon na rin sa kanyang panlasa.

Samantala, naikuwento rin ng Comedy Queen na magtutuluy-tuloy ang pagma-manage niya ng mga talent.

May plano raw siya na may mga hahawakan na magiging mysterious ang pagkatao.

Ngayon daw kasi na uso na ang social media, parang lahat na lang daw ay nakalantad sa public ang tungkol sa buhay ng mga celebrity.

Pero sa ibang mga plano niyang i-handle, gusto raw niya na mag-iisip ang public tungkol sa istorya ng buhay ng mga talent na ‘yon dahil gusto niya na ibalik ‘yung katulad noon na may mystery pa rin sa ibang mga celebrity!

 

vuukle comment

SOCIETY GIRL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with