^

Pang Movies

Nag-emote sa tulay!Bela dyowa na lang ang kulang!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Nag-emote sa tulay!Bela dyowa na lang ang kulang!
Bela

Binalikan ni Bela Padilla ang landas na tinahak niya sa showbiz nu’ng magsimulang pasukin ang pag-aartista sa age na 16 sa latest post sa kanyang Instagram sa may pic habang nasa Pa­ris, France atnasa ibabaw na isang tulay.

Alam niyang fair-skinned lang siya at hindi masyadong striking ang dating.

“...but I was born into this world, so I deserved a fighting chance. I didn’t know if I could act or not but I wanted to learn...” bahagi ng emote ni Bela.

After 11 years, nakapag-leave sa trabaho si Bela matapos niyang umiyak sa iba’t ibang character na kanyang nagampanan at mabuhay nang kompor­table. “Because of you I took this trip happily. Because, yes, I don’t need to much and I am simpler than any peers. And yes, I don’t dream of so much money, but I do want to buy a vintage hat that somebody else wear in her early twenties, decades ago. And to be able to eat cheese and warm bread when I’m hungry,” saad pa niya.

Ang post ni Bela ay para sa bosses, managers, handlers at road managers na naging bahagi ng career niya. “I look forward to working hard for 11 years more to be able to stand in this exact same bridge again. Thank you.”

Binati siya ng kaibigang si Angelica Panganiban at sey ni Bela, naiyak siya habang emote sa mensahe. Ilan pa sa bumilib sa achievements niya ay sina Ogie Alcasid, anak ni Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan at Jaya.

Boyfriend na lang yata talaga ang kulang kay Bela, huh!

Ellen kinalbo si John Lloyd, dedma pa sa kasong libel, child abuse at cyber crime!

Itinuloy ang pagsa­sampa ng kaso kay Ellen Adarna ng isang Myra Santos, ina ang 17 years old na si Eleila Santos, na ina­kusahan ng sexy star na paparazzi nang magsabay sila sa isang ramen house sa Makati City.

Ayon sa report ni MJ Felipe ng Channel 2, kasong libel, child abuse at cyber crime ang isinampa nila sa Office of the City Prosecutor sa Pasig City kahapon nang umaga.

Dahil sa ginawa ni Ellen na paglantad ng mukha ng minor sa Instagram stories niya, nag-demand sila ng public apology kay Ellen sa loob ng limang araw.

Hindi tinugunan ni Ellen ang hiling ng ina kaya isinampa na ang kaso laban sa kanya.

Wala pang reaksyon si Ellen sa kasong ito as of this writing. Tanging ang video niya kung saan kinakalbo niya si John Lloyd Cruz ang ipinost sa kanyang Instagram account.

vuukle comment

BELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with