Aiza hindi nagpaka-bitter sa corruption!
Nilinaw ni Aiza “Ice” Seguerra na hindi naman sumama ang loob niya sa nangyari kamakailan na nadawit siya sa corruption issue sa National Youth Commission bilang chairperson.
“It’s not even true,” pahayag ni Ice nang makausap ng entertainment press kahapon sa launching ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 na proyekto ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) na pinamumunuan ng misis niyang si Liza Diño.
“So, why would I let that affect me? I mean, lumabas naman ang katotohanan, nasopla naman sila ng katotohanan,” he said.
Marami rin naman daw siyang natutunan sa almost two years ng pamumuno niya sa NYC.
“I learned a lot, nalaman ko rin na napakaraming mabubuting tao sa gobyerno. It’s just sad that ‘yung mga hindi mabubuti ang napag-uusapan parati. ‘Yung mga tao na sobrang kahit mababa ang sweldo, nandu’n sila sa araw-araw na ginawa ng Diyos.”
Hindi raw madali ang maging empleyado sa gobyerno kaya sana raw ay ma-appreciate naman ang hirap ng mga ito.
Pero dito rin daw niya na-realize na hindi siya para sa pulitika at ngayon ay balik na siya ulit sa kanyang passion which is music.
Tama na raw ang kanyang misis sa public service dahil mas palaban daw talaga ang kanyang misis.
“Actually, she’s perfect for the job kasi, she’s very headstrong, kahit ako napapasunod niya ako, eh,” natatawa niyang sabi.
PPP ayaw magbigay ng award
Samantala, sa nasabing PPP launch ay binigyang-diin ni Liza na ang mga pagsisikap na nakahanay sa PPP ay magbibigay-daan para sa tunay na paglaki ng mga pelikulang Pilipino at kunin ang pagkakataon mula local to international distribution.
“Ang PPP ay dumating sa tamang oras, lalo na ngayon na ipagdiriwang natin ang Isang Daang Taon ng Philippine Cinema. Naniniwala ang FDCP na higit pa sa sentenaryo na ito, ito na ang tamang oras para ipakita sa mundo ang pinakamagaganda nating mga pelikula sa pamamagitan ng pagsulong sa international distribution.
“Gusto nating ma-inspire ang ating mga filmmakers na maabot ang mga manonood sa malalayong lugar sa pamamagitan ng paggawa ng mga dekalidad na pelikula, well-developed at ginawa na ang nasa isip ay ang local at global audience. Hinihikayat ng PPP na ito ay maging jump-off point nila,” pahayag pa ni Liza.
Naging positibo ang pagtanggap ng mga tao sa unang taon ng PPP last year kaya naman mas lalong na-inspire si Liza this year at ipinahayag na target nilang higitan ang box-office gross last year,” pahayag ni Liza.
This year, ani Liza ay wala pa rin silang acting awards like Best Actor or Best Actress dahil aniya ay marami na raw tayong award-giving bodies.
“Ang awards natin is more on Audience’s awards, Critics Choice saka Special Jury. Wala tayong Best Actor. Ang dami na nating award-giving bodies, let’s give it to them,” she said.
Ang walong selected films ay iaanunsyo sa unang linggo ng July, 2018.
- Latest