^

Pang Movies

Gretchen madalas kabuntot ng tycoon na si Atong Ang!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Gretchen madalas kabuntot ng tycoon na si Atong Ang!
Mr. Atong Ang at Gret­chen Barretto

Spotted na naman na magkasama sina Gret­chen Barretto at Mr. Atong Ang.

Ayon sa source, nagtatanong na talaga ang mga nakakakita sa kanila kung ano bang meron at parati silang magkasama sa mga lakaran.

At parang bagong gising pa nga raw si Gretchen nang makita nila. Pero ang duda ng ibang kasama nila baka naman galing lang ang inactive actress sa gym na kilalang babad sa pagwo-work out.

Ang ikinatataka nila ay kung bakit hindi nila nakikitang kasama ni Gretchen ang partner na si Tony Boy Cojuangco at mas madalas na si Mr. Ang kabuntot nito.

Nauna nang sinabi ni Gretchen na business partners sila ng ­gaming tycoon na si Mr. Ang kung saan din sila nadiskubreng nagpapa-escort sila sa NAIA from Bangkok last year.

Hiwalayan ng celeb couple kinokonek sa datung

Datung ang pinagdududahang rason sa hiwalayan ng dating super sweet couple.

Inakala ng marami na mauuwi sa kasalan ang relasyon ng dalawa pero sa hiwalayan din pala ang ending.

Marami nang humula na hindi nga sila magtatagal dahil wala naman daw datung si lalaki samantalang si aktres daw kahit hindi magtrabaho habang buhay kayang mamuhay ng gusto niyang lifestyle. Malalim daw kasi ang bulsa ni aktres as in mayaman.

Pareho pang hindi nagsasalita ang dalawang pi­nag-uusapang persona­lidad pero kita na sa kani­lang social media account na wala na sila.

vuukle comment

GRET­CHEN BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with