^

Pang Movies

Dating bold star may tiangge sa harap ng isang resto!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Maraming customers sa isang kilalang restaurant sa Quezon City ang nagulat kung bakit nasa labas ng naturang kainan ang isang dating bold star.

Nakapuwesto ito sa mga lamesa roon at tila may hinihintay.

Hindi nagtagal ay may mga dumating at umupo sa lamesa ni dating bold star. Doon na nito inilabas ang ilang mga binebentang T-shirts, pabango, sapatos, at make-up.

In short, ginawang mini-tiangge ng dating bold star ang harapan ng restaurant.

May mga parokyano ang resto na tila hindi nagustuhan ang ginagawa ng dating bold star. Kasi nga naman, siya ang nakabungad doon tapos ang ingay pa nito sa pagbebenta.

May mga nagreklamong customers sa manager ng resto dahil pumapayag silang gawing flea market ng dating bold star ang harapan ng resto nila.

Sey daw ng manager ay pinagsabihan na nila ang dating bold star na hindi niya puwedeng gawin ang magbenta sa harap ng resto nila. Pero nakiusap daw ito dahil gusto lang niyang maibenta ang items niya.

 Ang deal ng manager ng resto ay kailangan um-order siya ng certain amount para mapayagan siya roon. Pati na ang mga bibili sa kanya ay dapat um-order din.

Kaya iyon na raw ang naging arrangement nila. Habang nandoon ang dating bold star sa lugar niya, dapat ay umo-order siya.

Walang naging problema sa dating bold star ang deal kaya patuloy ang kanyang pagbenta sa harapan ng naturang resto.

Ina Feleo vlogger na rin

Marami ang humahanga sa magandang pangangatawan ng aktres na si Ina Feleo.

Makikita nga sa kanyang Instagram account ang maraming pino-post niyang workout photos dahil sobra ang dedication niya sa pagiging fit.

Kaya para mai-share ni Ina ang kanyang mga sikreto to staying fit, nag-launch siya ng kanyang sariling YouTube channel kung saan nagbibigay siya ng tips sa pagwu-workout at pagpili ng pagkain upang magkaroon ng isang happy and healthy lifestyle.

Sa unang video blog (vlog) ni Ina ay ibinahagi niya ang paghahanda ng chicken and broccoli dish na sikreto raw ng kanyang flat na tiyan.

Kailangan din kasi ni Ina na maging healthy ang pangangatawan dahil pagod din ito sa kanyang trabaho bilang aktres. Napapanood si Ina sa Destined To Be Yours bilang si Catalina, ang ambiyosa at tusong tiyahin ng character ni Alden Richards na si Benjie.

Sia mas maganda ‘pag walang wig at make-up!

Sa unang pagkakataon ay nakita ng fans si Sia na walang suot na wig na tumatakip sa magandang mukha nito.

Ang Australian singer na umawit ng mga hit singles na Chandelier at Titanium ay nakita sa airport ng Dubai na suot lang ay sweatpants at cropped sweatshirt. Wala itong wig at make-up free pa.

Maraming fans ng 41-year-old singer ang nagulat sa maganda at batang-batang mukha ng kanilang idolo.    

Inamin noon sa isang interview ni Sia na kaya siya nagsusuot ng wig ay para mas mag-focus ang marami sa kanyang boses kesa sa kanyang mukha.

“I don’t want to be famous, or recognizable. I don’t want to be critiqued about the way that I look on the Internet.

“I’ve been writing pop songs for pop stars now for a couple of years and I’ve become friends with them and see what their life is like, and that’s not something I want.

“I don’t wear this unless there are cameras around. I only wear this to try and maintain a modicum of privacy,” diin pa ni Sia na nag-perform kamakailan sa Dubai World Cup.

vuukle comment

INA FELEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with