^

Pang Movies

Hashtags nagdagdag ng bagong kilig ambassadors

Pang-masa

MANILA, Philippines - Mas pinalaki at mas kakikiligan ang boy group na Hashtags sa noontime program sa bansa na It’s Showtime matapos ipakilala ang pinakabagong kilig ambassadors nito na dadagdag sa grupo noong Valentine’s Day (Feb 14).

Sa unang pagkakataon, nagpakitang gilas sa pagsasayaw ang heartthrobs sa pangunguna ng da­ting child star na si Bugoy Cariño. Aniya, “Hindi na bago sa akin ang pagsasayaw at showbiz. Pero itong maging kilig ambassador, ibang Bugoy ang makikita niyo.”

Ipinakilala rin ang dating Pinoy Boyband Superstar contestant na si Wilbert Ross, model na si Maru Delgado, pati na sina CK Kieron, Kid Yambao, Rayt Carreon, Vitto Marquez, at Franco Hernandez.

Sasamahan nila sa pagpapakilig ng madlang people ang Hashtag members na sina Zeus Collins, Jimboy Martin, McCoy De Leon, Nikko Natividad, Tom Doromal, Jameson Blake, Paulo Angeles, Jon Lucas, Ryle Santiago, Luke Conde, at Ronnie Alonte.

Samantala, patuloy namang sinusubaybayan ang It’s Showtime dahil sa masaya nitong barkadahan at patok na segments na Tawag ng Tanghalan, Dancing in Tandem, KanTanghalian, at TrabaHula Extreme.

Kaya naman sa pinakahuling datos ng Kantar Media noong Pebrero 14, nagkamit ito ng national TV rating na 17.4.

Huwag palampasin ang It’s Showtime tuwing tanghali mula Lunes hanggang Sabado sa ABS-CBN.

vuukle comment

HASHTAGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with