^

Pang Movies

Yasmien pini-peg ang asawa ni Trump!

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Lolit Solis - Pang-masa
Yasmien pini-peg ang asawa ni Trump!
Yasmien

Si US First Lady Melania Trump ang peg kahapon ni Yasmien Kurdi nang magkita kami kahapon sa birthday presscon para sa kanya ng GMA Artist Center.

Ang ganda-ganda ni Yasmien at isa talaga siya sa mga aktres na may magandang mukha, may make up man o wala.

Bago siya nagpunta sa birthday presscon niya, sumaglit muna si Yasmien sa GMA 7 dahil nag-renew siya ng kontrata.

Therefore, matagal pa na mapapanood si Yasmien sa mga programa ng Kapuso Network dahil long term ang kontrata na pinirmahan niya. Isa si Yasmien sa mga Kapuso actress na loyal sa GMA 7.

Walang birthday celebration si Yasmien dahil out of the country ang mister niya na si Rey Soldevilla.

Commercial pilot si Rey at may biyahe siya kahapon sa Vietnam.

Kahapon din ang 5th wedding anniversary nina Yasmien at Rey pero ngayon sila magkakaroon ng celebration dahil pareho sila na busy kahapon.

Pagkamatay ni kylie kalat na kalat na

May nag-leak na litrato sa Internet na kuha umano sa set ng Encantadia.

Ang sabi ng fans, ang leaked picture ang pruweba na matsutsugi na talaga si Kylie Padilla sa telefantasya ng GMA 7.

Malalaman natin ang katotohanan sa episode bukas ng Encantadia na lalong tumaas ang ratings dahil sa balita na buntis si Kylie.

Ang talent management office ni Betchay Vidanes ang naglabas ng official statement na engaged na sina Kylie at Aljur Abrenica.

Ang statement ng opisina ni Betchay ang ebidensya na alaga pa rin niya si Kylie na napabalita na kumalas sa kanya.

Mahirap talaga na paniwalaan ang mga kumakalat na tsismis unless ang mga tao na sangkot sa isyu ang magsasalita.

vuukle comment

MELANIA TRUMP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with