Kylie 3 months preggy nga; Robin binantaan si Aljur?!
Wala raw planong magsalita sina Robin Padilla, Kylie Padilla at Aljur Abrenica sa kalagayan ng actress sa kasalukuyan.
Ang balita ng source, tatlong buwan na raw ang dinadala ng anak ni Robin courtesy of Aljur.
Pero nag-dialogue diumano si Robin na ‘papatayin’ niya si Aljur.
Basta ang plano raw ngayon, lilipad pupunta sa Australia, kung saan nakatira ang inang Liezl Sicangco ni Kylie ayon sa source.
As of presstime, wala pang official na pag-amin sa nasabing balita sina Kylie at Aljur.
Maging ang GMA 7 ay hindi pa rin nagbibigay kung ano ba talagang kalagayan ni Kylie sa kasalukuyan.
Kagabi balitang tsinugi na ang character ni Kylie sa Encantadia at gagawin na lang kaluluwa ang character niyang si Amihan.
Hindi na kami ni Baste - Ellen
“Hindi na po kami. 2016 pa po yon. Bagong taon na. At para manahimik na tayong lahat,” ang sagot ni Ellen Adarna sa isang netizen nang tanungin siya kung sila pa ba ni presidential son Baste Duterte.
Ito ay matapos siyang mag-upload ng photo ni Rico Blaco na may word na ‘forever’ ang suot na shirt.
Late last year lang nang mag-viral ang lips to lips photo nila ng anak ni President Duterte sa social media.
Pero ayun, break na naman sila. Alam sa showbiz na kaibigan niya ang girlfriend ni Baste at nanay ng anak nito.
- Latest