^

Pang Movies

Kahit ligwak sa Pasko, Mano Po nakakuha ng tamang strategy!

APPYEVERYDAY - Ed de Leon - Pang-masa
Kahit ligwak sa Pasko, Mano Po nakakuha ng tamang strategy!
Mano Po 7

Ang malalaking pelikulang Pilipino, dapat isagupa rin talaga sa mga malalaking pelikula na kagaya noon. Palagay namin nalagay sa tama ang pagpapalabas, at magiging malaking advantage iyon para sa Mano Po 7: Chinoy. Mas maaga siya ng isang linggo sa Pasko, at natural makakasabay na ilalabas iyan sa ibang key cities ng Pilipinas, at extended iyan doon hanggang sa Christmas playdate. Iyan ang magiging Christmas presentation ng mga sinehan sa key cities. Hindi naman kasi nila ilalabas simultaneously ang mga pelikulang indie na siyang palabas sa panahong iyon sa Metro Manila.

Ang naging advantage pa ng Mano Po 7, mas marami silang sinehang nakuha at napili pa nila kung saang sinehan sila ipalalabas. Kung nakasali sila sa festival, walang pilian ng sinehan. Kung ano ang mabunot mo, iyon na iyon.

Sa nakita rin naming laki ng produksiyon ng Mano Po na nag-shooting pa sa Taiwan at alam mong ginastusan ang pagkakagawa, bukod pa sa malalaki ang mga artistang kasali kaya alam mo na agad na iyan ay magiging isang malaking hit na puwedeng ipalabas kahit kailan. Hindi iyan kagaya ng ibang pelikula na magmamakaawa pang panoorin sila ng mga tao. Hindi ba totoo naman na maraming pelikulang kailangang maisali sa festival dahil kung hindi, hindi rin makakakuha ng sinehan na magpapalabas sa kanila.

Kami kasi ay naniniwala na ang hinahanap pa rin ng publiko ay iyong malalaking pelikula. Iyong talagang nakikita nilang ginawang mahusay at pinagkagastahan. Hindi gusto ng mga tao iyong ang panonoorin nila ay mga pelikulang alam nilang tinipid, or worst binarat pa ang pagkakagawa. Hinahanap nila iyong pinaganda talaga, iyon ang formula ng isang hit movie. Iyon naman ang ginagawa ng Regal.

Although sinasabi nga ni Mother Lily Monteverde na naniniwala rin naman siya sa mga pelikulang indie at sinabing, “hindi ba Regal naman nagsimula ng indie”. Pero naniniwala rin naman siya na may kanya-kanyang panahon ang mga pelikula at kung ganito ngang Christmas season, ang hinahanap ng mga tao ay iyong pelikulang magaganda talaga, pinagkagastahan at makakadagdag sa kanilang feeling na Christmas na talaga. Hindi iyong mga pelikulang matapos mong mapanood, depressed ka.

Ang sinasabi nga nila, advantage iyong makopo mo ang mas maraming key cities sa Pasko. Hindi kagaya noong araw na maliliit ang sinehan sa probinsiya, ngayon ay dominated na iyon ng mga sinehan sa mga mall. Kaya napakalaking market ang ibang key cities, in fact mas malaki pa iyon kaysa sa Metro Manila. Kaya tiyak isang napakalaking hit iyang Mano Po 7: Chinoy.

Gagawing serye nina Kathryn at Daniel, gaya-gaya raw sa Encantadia

Hindi lang napansin naming ginagamit na ang mga salita sa Encantadia maging sa social media. Ngayon maski iyong KathNiel love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, gagawa na raw ng isang seryeng “sang’gre”, ibig sabihin fantasy rin kagaya ng Encantadia. Eh kasi nga ang hirap labanan kung ano ang talagang gusto ng mga tao.

Sa mga recent development, huwag mo mang tingnan ang mga survey, lumalabas na masyadong popular nga ngayon ang Encantadia. Pati iyong kanilang expressions na hindi mo alam kung saang wika nanggaling, ginagamit na ngayon sa mga karaniwang usapan at maging sa social media.

Ginagawa na ring reference ang kanilang character. Basta maliit ang isang tao, hindi na tinatawag na pandak katulad ng dati, ngayon ang tawag na nila ay banak imbis na pandak. Basta nakakita ng pogi, ang sinasabi na nila ay “Ibrahim” o basta sexy, “Danaya”. Kaya nga naniniwala kaming sikat na talaga sila.

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with