^

Pang Movies

Jake na-friendzone ni Inah

RATED A - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa last two weeks na ang teleserye na pinagbibidahan ni Inah de Belen na Oh, My Mama! Hindi akalain ng anak ni Janice de Belen na magiging mabilis ang takbo ng kanilang teleserye. Kung noon ay pinaghahandaan niya ang first taping daw nito, ngayon ay inaabangan na niya ang last taping day nila.

“Nakakalungkot lang kasi naging very close kaming lahat sa set.

“I mean, from the whole cast hanggang sa production people, isang big family kami.

“Kaya noong sabihin na last two weeks na ang Oh, My Mama!, I got emotional. Kasi mami-miss ko silang lahat, lalo na ang mga leading men ko na sina Jake Vargas and Jeric Gonzales,” sey pa ni Inah.

Mas naging close nga raw si Inah kay Jake dahil mas marami silang eksenang magkasama.

Inamin naman ni Jake na nahihiya itong yayain lumabas si Inah dahil may show pa sila.

“Lumalabas naman kami, pero kasama ang ibang people from Oh, My Mama. Lagi kaming isang group kung lumabas.

“Pero if he ask naman kung puwede, siguro okey lang kasi magkakilala naman na kami.

“’Yun nga lang, sa Parañaque City niya ako puntahan.

“Kasi doon sa subdivision namin, marami nang mga restaurants. Puwedeng doon na lang. Kaso bibiyahe talaga si Jake!” malakas na tawa pa ni Inah.

Okey lang ba na ligawan siya ni Jake after ng kanilang teleserye?

“Let’s see… I mean, wala pa naman siyang nababanggit na gano’n, ‘di ba?

“Eh napakatahimik kasi ni Jake. Hindi ko alam kung ano ang nasa isipan niya.

“Siguro mas okey na friends muna kami. We still need to get to know one another.

“Ngayon kung sa next teleserye ay kami pa rin, then mas makikilala pa namin ang isa’t isa,” pagtatapos pa ni Inah de Belen.

Angelu maraming na-realize nang magka-bell’s palsy

Nagpapagaling pa rin ang aktres na si Angelu de Leon sa kanyang sakit na Bell’s Palsy na nagdulot ng pagka-paralyze ng kalahati ng kanyang mukha.

Dumaraan ngayon sa ilang therapy sessions si Angelu para maibalik ang pakiramdam sa isang bahagi ng kanyang mukha. Nakakadalawang linggo na ng therapy ang aktres.

Nangyari ito noong nakaraang November 8 habang nagbabakasyon si Angelu at ang kanyang pamilya sa isang resort.

Ang maganda kay Angelu ay hindi siya nade-depress or nagse-self pity sa kalagayan niya ngayon dahil mas nauunawaan na niya ang mga taong dumaan sa ganitong klaseng karamdaman.

Ngayon lang daw na-realize ni Angelu na importante ang mga simpleng bagay na ginagawa natin, pero hindi niya magawa ngayon dahil sa kanyang sakit.

Nag-post pa nga si Angelu ng photo sa Instagram habang dumadaan siya sa isang therapy session. Heto ang nilagay niyang caption:

“Almost 2 weeks on therapy now. Sometimes I forget that I have Bells palsy until I do something so simple like smiling, eating, drinking water from a glass, sipping from a straw, taking a shower or wash my face (left eyelid doesnt close properly) Toothbrush, gargle.

“Let’s not take anything for granted. Life itself is our biggest blessing. Be grateful for the simplest things, it matters the most. God bless you.”

Ellen DeGeneres at Portia de Rossi, $345-M ang paghahatian ‘pag nag-divorce

Bulung-bulungan sa Hollywood ngayon ang malapit nang paghihiwalay ng mag-asawang Ellen DeGeneres at Portia de Rossi.

Sa isang source ng InTouch Weekly, sinabi nito na mukhang mauuwi na sa divorce ang pagsasama ng dalawa dahil hindi na raw kaya ni Portia ang controlling behavior ni Ellen.

Ikinasal ang dalawa noong 2008.

“They’ve had heated debates about Ellen’s controlling behavior and her anger issues. They fight over Ellen’s drinking, her lavish spending — mostly on real estate — plus her busy work schedule and how she doesn’t want Portia to work.”

Pero sa gitna raw ng kanilang problema, sinusubukan pa rin nilang maging happy couple sa harap ng kanilang mga kaibigan.

Kung matuloy man ang divorce nila, ang paghahatian nilang conjugal property ay aabot sa $345 million.

Pinakamalaking kinita sa dalawa ay si Ellen dahil sa kanyang hit morning talk show na Ellen at ang ilan pa nitong pino-produce na shows tulad ng Ellen’s Furniture Design Challenge, Little Big Shot, at Repeat After Me.

Meron ding line of merchandises si Ellen at mga big endorsements tulad ng Cover Girl, Shutter Fly, at Target.

“A good chunk of Ellen’s fortune is at stake.

“This could be one of Hollywood’s most expensive, ugliest and dirtiest divorces ever,” ayon pa sa source.

vuukle comment

INAH DE BELEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with