^

Pang Movies

Valeen pumiyok na sa ‘paninira’ ng pamilya ni Ciara

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Valeen pumiyok na sa �paninira� ng pamilya ni Ciara
Valeen Montenegro

Wonder why it took Valeen Montenegro so long para i-deny na siya ang dahilan kung bakit nawasak ang marriage ng aktres na si Ciara Sotto at ng asawa nito, ang TV executive na si Jojo Oconer. Ang ‘dating’ mag-asawa ay may anak na lalaki.

‘Yun naman pala ay habang, kumbaga, ongoing ang kontrobersiya sa kanilang tatlo ay in a relationship siya sa kanyang boyfriend ng seven years na si Selu Lozano na isang athlete at kasosyo niya sa itinatayo niyang dance studio at coffee shop recently.

Isa sa may magandang mukha among the GMA 7 talents si Valeen at ang kanyang lolo na si late Mario Montenegro na dating LVN actor, ay kinu-consider na isa sa pinakaguwapo noong kanyang kapanahunan.

Ang kanyang lola na si Letty Alonzo ay isa ring LVN star.

Nasa cast si Valeen kasama sina Rap Fernandez at Antoinette Taus sa isang entry ng Cinema One Originals, under the Narrative Feature Category, ang Every Room Is a Planet, directed and written by Malay Javier.

Kasalukuyang ongoing ang screenings ng lahat ng entry ng film event sa mga sinehan ng Trinoma, Glorietta, Gateway, Greenhills at Cinetheque.

Magtatapos ito sa November 22.

Dimples kuntento sa bahay kapag di rumaraket

Isa sa pinaka-busy sa Kapamilya network ang aktres na si Dimples Romana, na gumaganap na anak kay Sylvia Sanchez sa afternoon series na The Greatest Love.

Kabilang din sa cast ng The Greatest Love sina Nonie Buencamino, Andi Eigenmann, Matt Evans, Aaron Villaflor at Tetchie Agbayani.

Featured din siya sa soon to be released Star Cinema movie na The Unmarried Wife, co-starring her naman for the first time with Angelica Pa­nga­niban, Paolo Avelino at Dingdong Dantes. Ang nasabing pelikula ay sa direksyon ni Maryo delos Reyes.

Host din si Dimples ng programang Swak Na Swak every Saturday.

On days, ayon kay Dimples kapag wala siyang work, plain housewife lang siya to her engineer-husband and mom to two children, the eldest of them whom is almost a teenager na.

Lalaki ang kanyang bunso.

Boyet hindi napapahinga

Isa namang aktor na kasing busy ni Dimples ay si Christopher de Leon, na ang kinabibilangang pelikula na The Escort, with Derek Ramsay and Lovi Poe, ay showing pa rin in theaters nationwide at nananalasa pa rin sa takilya.

Si Boyet din ang lead actor ng video-on–demand service HOOQ’s On The Job (CTJ), directed by Erik Matti.

Siya rin ang bida sa Direk Carlo Caparas mo­vie, Kamandag ng Droga.

Boyet is keeping his fingers crossed na ma-approve as entry in this year’s Metro Manila Filmfest (MMFF) ang kanyang pelikulang Across The Crescent Moon.

Chops and Chokes wag sanang matulad sa Hubby at Wifey ng actor at beauty queen

“Chops” at “Chokes” pala ang term of endearment o tawagan nina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa isa’t isa.

Naalala tuloy namin noong mag-on pa ang isang kilala’t guwapong aktor at ang isang dating international beauty queen, “hubby”  at “wifey” ang matunog nilang tawagan.

Of course, hindi sila nagkatuluyan. Happily married na ang actor na ang pinakasalan din ay isang beauty queen.

As to the international beauty queen, hiwalay na siya sa kanyang foreigner husband kung saan may dalawa siyang anak na parehong lalaki.

vuukle comment

VALEEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with