^

Pang Movies

Goma reresbak na, magsasalita sa mga totoong protektor ng droga!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Goma reresbak na, magsasalita sa mga totoong protektor ng droga!
Ormoc Mayor Richard Gomez

Sa Senado rin gustong sagutin ni Ormoc Mayor Richard Gomez ang pagkakadawit ng pangalan niya sa Espinosa drug group.

Yup, handa siyang makiisa sa anumang imbestigasyon kaugnay sa nasa­bing issue.

Ayon sa natanggap kong statement mula sa kampo ni Mayor Goma, hindi niya hahayaang wasakin ang kanyang pangalan ng evil individuals na pagli-label sa kanya bilang protector ng droga.

“Whatever measure of success I have now, I worked hard for -- honestly, and with blood, sweat, and tears. Nothing was handed to me on a silver platter. With that success, I also took care of my reputation, and I have for the most part of my life tried to give back by living a clean life, advocating against drugs and leading by example,” pahayag niya.

“That is why more than just this being a ridiculous and desperate attempt of my political opponents and their lapdogs, some of who are ninja cops, I take great offense in those who think nothing of dragging the names of the innocent. Maybe other people do not think much of keeping their names clean, but I do. I value my good name.

“Fame, power -- all that is fleeting. But a good name, a good, clean name is my real wealth,” dagdag pa niya.

“Sa mga nagkakalat at may kinalaman sa drugs, pananagutan ninyo ito. ‘wag kayong mandamay. Man up. Face up to the consequences of your actions. ‘Wag niyo guluhin ang issue. ‘Wag n’yo ipahid sa mga inosente ang kawalanghiyaan na ginagawa ninyo ng marami ng taon,” matapang pang pahayag niya.

Common knowledge rin na si Pres. Duterte ang sinuportahan niya nu’ng election dahil sa kampanya nito laban sa droga.

Idinawit ang pangalan ni Mayor Goma sa isinagawang imbestiga syon sa pagkamatay/pagpatay ni Albuera, Leyte Rolando Espinosa sa Baybay sub-provincial jail sa senado kamakailan.

Suportado si Goma ng kanyang mga kaibigan sa naturang laban dahil alam nilang lahat nangunguna siya sa paglaban sa droga noon pa man.

Kris pray pray muna

“Praying, working, and collaborating on this...

“So until our launch w/c is coming very soon, we’re going to be focused on creating many interesting & exciting surprises for you.

“Until then... I’m going to let you miss me a bit... Love Kris.”

Ito ang kabuuan ng Instagram post ni Kris Aquino kahapon.

Kaya ang conclusion ng karamihan, rest muna ulit ito matapos ang epic snub ni President Duterte.

ORMOC MAYOR RICHARD GOMEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with