^

Pang Movies

Sakit ni Bong hindi raw nakamamatay

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Nagkagulo ang mga friendship ko at mga neighborhood sa nasagap na pekeng balita na deds na si Senator Bong Revilla.

Yes, may sakit si Senator Bong pero hindi nakakamatay ang sakit niya. Mayroon siyang migraine at matinde na ito, kung ‘di maagapan siguradong mabubulag siya. E, kahit wala kang enough money para ipagamot ang ganitong uri ng sakit sa mata.  Pwede pa rin maisalba sa hospital, marami ang mga kind hearted person, nandiyan ang PCSO, DSWD, Philhealth (kung member ka) at mga elected na government official.

Example, sa Sta. Rosa Laguna, ang aming beloved Dan S. Fernandez ay may medical assistance sa mga kababayan niya at iba pa.  Ang totoo, si Bacoor (Cavite) Mayor Lani Mercado-Revilla ay may natulungan ding mga showbiz press at mga player na nagpa-opera ng mata.

Anyway, falls alarm ang bad news kay Senator Bong na iniyakan ng fans niya. Get well soon Bong! Hahaba pa ang buhay mo. Ipinagdarasal namin ang kalayaan mo at ni Jinggoy Estrada.

Sikat na young actor hello and goodbye na lang kung mabati!

Totoo raw na maere na at puno ng hangin ang ulo ng poging young actor na ito na sikat na sikat na, na parang walang kilala. Pati ang mga dating friends niya ay dinidedma niya.

Saka parang hirap na siyang mag-hello sa fans. Yes, bumabati siya pero ‘di na katulad ng dati na matagal makipag tsikahan.  Ngayon, parang laging nagmamadali ang aktor, tipong hello and goodbye agad.  Aba, nalunod na sa isang tasang tubig ang aktor na ito

Kris dapat maghinay-hinay

Relax ka lang, Kris Aquino.  Nagkataon lang na lagare ang sched ng ating beloved President Digong Duterte na isinabay sa sana’y interview mo sa kanya.  Parating din ang inaasam mo na one on one intervew mo sa kanya, at sure ka sa sinabi mong “I hope one day mamahalin mo din ako.”

Ikaw pa! Umayos ka, mamahalin ka niya!

Happy Birthday…

Belated happy birthday (Nov. 11) kay AiAi delas Alas. Pabati rin ito ng Parish Priest ng Our Lady Of The Most Holy Rosary na si Rev. Fr. Arupo, ng Golden City, Sta. Rosa Laguna. na kung saan nakatulong si AiAi na mag-send ng tseke with the help of her boyfriend na si Gerald.

vuukle comment

SENATOR BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with