^

Pang Movies

Angelica at John Lloyd buking na ang balikan?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Angelica at John Lloyd buking na ang balikan?!
John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban

Wala na talagang puwedeng ilihim ang mga artista kahit saan sila magpunta dahil sa social media.

Ganito ang nangyari sa ‘date’ nina John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban sa isang restaurant the other night.

Nakunan silang magkasama ng isang kumakain sa nasabing restaurant. Bukod pa sa pagpapakuha ng photo ng mga staff ng naturang resto.

Hindi mo naman puwedeng hindian ang mga nagpapa-picture dahil maakusahan kang maldita o maldito.

Dahil sa nasabing picture ng mag-ex, ang conclusion ng mga nakakita, nagkabalikan na sila.

Nagkabalikan na nga kaya sila? 

Luis at Jessy lalantad na!

Uy two weeks ago pa pala nilibre ni Luis Manzano ang schedule niya para mag-escort kay Jessy Mendiola sa Star Magic Ball na gaganapin sa Sabado.

Say ng source, noon pa nila alam na nagpalibre si Luis ng nasabing araw.

Matagal-tagal na ring nababalita na sina Luis at Jessy na pero walang confirmation sa kanila though maraming nakakaalam na ‘protected’ ng anak ni Rep. Vilma Santos ang actress.

Bea si Gerald ang kasama sa birthday

Si Gerald Anderson ang kapiling si Bea Alonzo sa ginanap na birthday salubong sa actress.

Nakita rin silang magkasama sa isang social media account.

Obviously, hindi naman nagtatago ang dalawa na balitang confirmed na ang balikan nila.

vuukle comment

BALIKAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with