^

Pang Movies

Anak ni Mark may kasamang mystery girl nang dumalaw sa kulungan!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Dumalaw na si Grae Fernandez sa kanyang tatay na si Mark Anthony Fernandez na nakakulong sa Pampanga Provincial Jail.

May kasama na babae si Grae nang bisitahin niya si Mark at ayon sa report ng GMA News, ang kanyang nanay na si Melissa Garcia ang mystery woman.

Medyo malabo ang video na napanood ko pero parang hindi si Melissa ang babae na bumisita kay Mark. Inaanak ko sa kasal ang mag-asa­wa kaya pamilyar ako sa mukha ni Melissa na slim kumpara sa babae na medyo healthy na kasama ni Grae sa provincial jail ng Pampanga.

Mali rin ang akala na si Chelsea Fernandez ang another girl na kasama ni Grae sa pagbisita nito kay Mark.

Hindi yata alam ng fans na magkaiba ang mga ina nina Grae at Chelsea.

Matagal nang ulila sa ina si Chelsea kaya ang mga magulang ng nanay niya ang nagpalaki sa kanya.

Madalas na bumibisita si Chelsea sa White Plains residence nina Lorna Tolentino at Rudy Fernandez noong nabubuhay pa ito.

Typhoon Karen matindi raw ang pananalasa

Pinag-iingat at pinaghahanda ang lahat kay Typhoon Karen na tinawag na most da­maging typhoon sa bansa natin.

Kanselado ang lahat ng mga flight sa Bicol noong Biyernes dahil kay Typhoon Karen kaya napilitan si Arnell Ignacio na sumakay ng bus ta bumiyahe mula sa Sorsogon hanggang sa Maynila.

Inaasahan ang pagdaan ngayon ni Typhoon Karen sa Metro Manila kaya asahan natin na magkakaroon na malakas na pag-ulan.

Naka-stand by ang mga taping ng mga teleserye bukas dahil pa rin sa masu­ngit na panahon na bitbit ni Typhoon Karen. May mga outdoor scene na kailangan na kunan pero nakadepende nga ang lahat sa weather.

Dennis lito sa promo!

Nagkamali si Dennis Trillo nang sinabi sa promo guesting niya kahapon sa Eat Bulaga.

Umapir si Dennis sa noontime show ng GMA-7 para i-promote ang Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?!, ang pelikula nila nina Anne Curtis at Paolo Ballesteros.

May-I-remind ni Dennis sa Eat Bulaga viewers na may mall show sila kahapon nina Anne at Paolo sa SM Sta. Rosa, Laguna.

Nalito si Dennis dahil ngayong hapon pa lang magaganap ang mall show nila sa Sta. Rosa Laguna at kahapon ang  kanilang mall show sa SM Manila.

vuukle comment

GRAE FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with