^

Pang Movies

Heart imposibleng maghirap!

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magkakaroon na raw ng sariling clothing line si Heart Evangelista-Escudero na malapit nang ilunsad ng Kapuso actress.

Ayon kay Heart, magiging very practical at affordable raw ang kanyang collection.

“I’m designing clothes, all whites and all blacks. So para siyang 30 looks for the whole month. Kung bibilhin mo ‘yung buong collection na ‘yon, makaka-come up ka ng 30 looks sa isang buwan na basic outfits lang.

“Kasi nowadays, you have to be stylish and practical at the same time, so kukuha ka ng printed na damit na isusuot mo lang ng isang beses, then maaalala na palagi ‘yon ng mga tao, alam na naisuot mo na.

“But if you have wide variety of all whites and blacks, they’ll never know what you repeated, so that’s why we’re coming out with a clothing line,” kwento ng isa sa stars ng Juan Happy Love Story star ng GMA 7.

Nakakabilib nga ang pagiging business-minded ni Heart kahit sobrang abala rin siya sa kanyang showbiz career.

Sa kasipagan nga sa business ni Heart ay maraming nagsasabing imposibleng maghirap ang misis ni Sen. Chiz Escudero, huh!

Snooky parang sweet 16 ang lovelife

Parang nagdadalaga na naman si Snooky Serna, huh!

Feeling teenager nga si Snooky dahil hindi pa rin niya maamin-amin ang tungkol sa relasyon nila ng former Bulacan province vice governor na si Ramon Villarama.

Sa tanong ko kung sila na ba talaga, ang sagot sa akin ni Snooky ay, “I am hoping for better things to come…”

Hmp! Hindi man deretsang umaamin si Snooky sa relasyon nila ni Ramon, palaging ang ex-vice governor naman ang bukambibig niya, ‘noh?!

Anyway, kung hindi pala pumasok sa buhay ni Snooky si Ricardo Cepeda, posible palang nakarelasyon na niya noon si Ramon.

Ayon kay Snooky nang dalawin namin siya sa taping ng Poor Señorita, mas nauna pa niyang nakilala si Ramon kesa sa kanyang naging mister.

Bale 28 years na raw silang magkaibigan ni Ramon.

Sarah hindi na abot ng hackers

Hindi na problemado si Sarah Lahbati sa kanyang Instagram account (@sarahlahbati) dahil hindi na siya naaabala ngayon ng hacker (o hackers) na nag-take-over sa kanyang IG account more than a week ago na.

Ayon kay Sarah, dahil verified na ng IG account niya ngayon, mahihirapan na ang kahit na sino na ma-hack ang account na ‘yon.

 

vuukle comment

MANDAUE CITY POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with