Alden mas maraming naraket na commercial kesa kay Maine!
Inilabas na noong Sunday, May 29, ni Rovilson Fernandez sa kanyang Ang Pinaka news and variety show ang list ng Ang Pinaka Mabentang Kapuso Celebrity Endorsers sa GMA News TV.
Si Pambansang Bae Alden Richards ang nanguna sa list dahil sa kanyang 32 endorsements na nagawa in less than a year, nang magsimula silang magtambal ni Maine Mendoza sa kalyeserye ng Eat Bulaga.
Number two naman si Maine Mendoza na may 29 endorsements in less than a year. At counting pa raw ang pagpasok ng mga bagong endorsements nila.
Nagbigay ng pahayag ang mga panelists kung bakit nanguna as endorser si Alden:
“Alden appeals to people in all ages and classes. Dimples pa lang, mabenta na siya eh!”
“Mayroong image si Alden na edukado, mabait at humble.
“Alden is well-mannered, good looking and has good values, the type of man you would want your daughter to marry.”
Nagbigay din ang mga panelists ng comments tungkol kay Maine Mendoza:
“Maine can do a lot of things because of her fun and versatile character.
“Maine has a strong fan base, making her a top-of-the-mind choice for advertisers.
Kaya naman sa katatapos na report ni Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon sa kinita ng GMA Network, pinasalamatan niya sina Alden at Maine dahil sa pagtaas ng sales nila dahil sa pagpasok ng mga endorsement ng tinaguriang phenomenal love team.
Ang iba pang Kapuso stars na Pinaka Mabentang Celebrity Endorsers:
Number 3 si Marian Rivera, number 4 si Solenn Heussaff, number 5 si Vic Sotto,
Number 6 si Heart Evangelista, number 7 si Michael V, number 8 si Dingdong Dantes, number 9 si Ryan Agoncillo, at number 10 si Carla Abellana.
Meanwhile, kahapon, nag-report na sa kalyeserye ng Eat Bulaga si Alden at kagabi ay dumating naman si Maine mula sa Germany.
Balikan sa Davao, Duterte magiging magastos ang panunungkulan
Si incoming President Rodrigo Duterte ay mag-oopisina raw sa Malacañang sa araw at uuwi siya ng Davao sa gabi. Mukhang magiging magastos ang pagtupad sa tungkulin ng bagong president dahil hindi biro ang araw-araw na mag-commercial flight siya pauwi sa Davao. Si Vice President Leni Robredo naman ay matipid dahil hindi niya gagamitin ang Coconut Palace as her office dahil half a million daw ang renta nito buwan-buwan.
Maja iniisnab-isnab ang movie nila ni Jinggoy
Sa SM Manila Cinema 6 ang premiere night ng Tatay Kong Sexy ni Senator Jinggoy Estrada mamayang 7:00 p.m. Inaasahang dadalo si Manila Mayor Joseph Estrada. Pero sana ay makadalo naman ang katambal ni Sen. Jinggoy na si Maja Salvador para makita naman niya kung gaano siya kahusay sa movie bilang si Monette, ganoon din sina Bayani Agbayani, Dominic Roque at sina Jolo Estrada at Empress Shuck na mga anak ni Sen. Jinggoy sa movie.
Bukas, June 1, ang simula ng showing ng Tatay Kong Sexy na release ng OctoArts Films, in theaters nationwide.
- Latest