Glydel iba pa ang pangalan nang tulungan ni Kuya Germs
Puyat si Glydel Mercado nang umapir ito kahapon sa presscon ng Wish I May dahil hindi na siya dinalaw ng antok nang malaman niya ang malungkot na balita tungkol sa pagpanaw ni Kuya Germs. Kabilang si Glydel sa mga artista na nanawagan na ipagdasal ang kaligtasan ng veteran television host.
Ang kuwento ni Glydel sa presscon ng Wish I May, nagkarambola ang kanyang tiyan nang makumpirma niya ang balita na wala na si Kuya Germs. Naging close si Glydel kay Kuya Germs dahil member siya ng That’s Entertainment pero iba pa ang screen name na ginagamit niya noon.
Hindi napigilan ni Glydel na mapaluha sa presscon ng Wish I May nang magbalik-tanaw siya tungkol kay Kuya Germs at sa mga naitulong nito sa kanyang showbiz career.
Loyalista!
Certified Marcos loyalist si German Moreno at personal friend siya ng mga Marcoses, lalo na ni former First Lady Imelda Romualdez-Marcos.
Nang pumutok kahapon ang malungkot na balita tungkol sa pagpanaw ni Kuya Germs, naglabas agad ng statement ng pakikiramay si Senator Bongbong Marcos, ang unico hijo nina Madame Imelda at ng yumaong pangulo na si Ferdinand Marcos.
“My family and I are deeply are saddened by the passing of a true icon, German Moreno or Kuya Germs. He is a big loss to the movie industry which he helped build and shape through his countless movies, television shows and the numerous talents he nurtured every step of the way.
“Kuya Germs was a Father to many aspiring Actors and Actresses whom he transformed into Big Stars. He is especially loved because he championed the many causes related to the movie industry including rallying for better pay and treatment for those working behind the scenes.
“For my family, Kuya Germs had been and will always be a true friend whose support never wavered despite all the challenges. We very much appreciate how he stuck with us through thick and thin and was proud of it. Truly a great man with a big heart and with conviction.”
Hindi pa alam kung kailan ililibing
Nakaburol ang labi ni Kuya Germs sa Mount Carmel Shrine sa New Manila, Quezon City. Malapit lang ang simbahan sa Broadway Centrum studio ng Eat Bulaga at very accessible ito na puntahan kaya asahan natin ang pagdagsa ng fans sa lamay para kay Kuya Germs.
As of presstime, hindi pa tiyak kung kailan ililibing si Kuya Germs dahil may mga kamag-anak pa siya mula sa Amerika na hinihintay ang pagdating.
Ang kanyang pamangkin na si John Nite na co-host niya sa Walang Tulugan ang spokesperson ng Moreno family.
- Latest