^

Pang Movies

Sunshine ayaw munang manlalaki sa 2016

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Matatag ang salita ni Sunshine Cruz nang tanungin namin siya kung ano ang mga top priorities niya ngayong 2016.

Nasabi niyang ang kanyang career dahil alam niyang sa ngayon ay doon talaga nakasalalay ang kinabukasan ng kanyang mga anak. Gusto raw kasi niyang unti-unti ay maplano na at makapagpundar para sa kinabukasan ng mga bata.

Hindi rin naman kasi maliwanag kung ano pa nga bang ibang support ang kanilang maaasahan, kaya sinasabi niya na on her own, gusto niyang siguruhin ang magiging magandang kinabukasan ng kanyang mga anak.

“After all these past few months talagang ako naman ang nagpo-provide sa lahat ng mga kailangan nila, gusto kong masiguro na makakayanan ko iyan hanggang sa dumating iyong panahon na makakatayo na sila on their own. Katungkulan naman iyan ng magulang eh. Kahit na sabihin nating parang single parent na ako ngayon, ok lang iyon. Hindi mo magagawang pabayaan ang mga anak ko,” sabi ni Sunshine.

It may even mean, sabi nga niya, na wala munang lovelife.

“Ayoko rin naman kasi noong magulong buhay. Naging magulo na nga ang buhay ko noon, ayoko nang maulit iyon. Kailangan siguro hintayin ko na iyong right time. Ngayon, in progress pa iyong request for annulment ko, hihintayin ko na muna ang result. After all kung hindi iyan darating, saan din naman pupunta kung magkaroon man ako ng lovelife.

“Kahit na sabihin mong nahiwalay ako, naniniwala ako sa permanency ng isang relasyon. Kung makikipag-relasyon ako, naroroon pa rin ako sa maaaring makasama ko habang buhay. Hindi naman puwedeng basta magsama na lang. Hindi ayos iyon.

“My kids, pagdating diyan I don’t worry about them. Sila nga ang nagsasabi na sana makakita naman ako ng makakasama ko habang buhay. Pero sabi ko nga I have to wait for the right person, and the right time,” sagot pa ni Sunshine.

Kuya Germs tuluy-tuloy pa rin ang misyon sa pagdiskubre

Si Kuya Germs naman, maliwanag din ang sinabi niya. Sa 2016, ipagpapatuloy niya ang kanyang pagdi-discover ng mga bagong talents at pagtulong sa mga iyon.

Hindi na iyon trabaho para sa kanya. Wala na siyang talent show kagaya ng That’s Entertainment noong araw, pero naniniwala siya na misyon na niya ang tumuklas ng mga bagong stars at tumulong din sa mga may ambisyon na makapasok sa showbusiness.

“Kasi kailangan naman natin iyon,” sabi ng master showman.

Sa ngayon, hindi natin maikakaila na marami pa rin sa ating big stars ay nagsimula kay Kuya Germs. Kahit na sabihin mong may ibang mga baguhan ngayon na hindi na nagdaan sa kanya dahil matagal na rin namang natigil ang kanyang talent search, higit na marami pa rin iyong nagmula sa kanyang mga show noong araw.

Sinabi rin ni Kuya Germs na sa taong ito, kagaya rin naman dati, sinisiguro niyang mananatili pa rin siya sa kanyang home network.

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

HINDI

KAHIT

KANYANG

KUYA GERMS

MGA

NAMAN

RIN

SI KUYA GERMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with