‘Pinas nganga na naman... Heneral Luna, lumiit lalo ang tsansa sa Oscars
Muling nabigo ang Pilipinas na makapasok sa official nominees para sa Best Foreign Language category ng 73rd Golden Globe Awards ng Hollywood Foreign Press.
Ang sinumite bilang Philippine entry ay ang historical film na Heneral Luna. Pinagbidahan ito ng award-winning actor na si John Arcilla.
Pero sa lumabas na official nomination list ng Golden Globes last week, hindi nakasama ang Heneral Luna sa top 5 nominees.
Ang mga nakapasok ay Brand New Testament from Belgium, France, and Luxembourg; The Club from Chile; The Fencer from Finland, Germany, Estonia; Mustangfrom France; and Son of Saul from Hungary.
Dahil sa hindi pagkakasali ng Heneral Luna, magiging maliit na rin ang tsansa nito na makapasok bilang official nominee sa Oscar Awards 2016.
Japanese porn star na si Maria Ozawa, Pinoy ang gustong maging dyowa
Inamin ng Japanese actress na si Maria Ozawa na blue ang kulay ng kanyang Pasko dahil wala raw siyang karelasyon ngayon.
Ayon pa sa bida ng Metro Manila Film Festival entry na Nilalang, gusto raw niyang matagpuan ang kanyang magiging boyfriend dito sa Pilipinas.
“There is no man in my life right now.
“I’m telling all those who interview me that I’m going to find somebody once I get here.
“I will be spending my first Christmas here in the Philippines so I do hope I get that somebody before Christmas.
“I don’t want to spend Christmas alone,” tawa pa niya.
Tila gusto na ng former adult film star na manirahan dito sa Pilipinas.
Ever since nakarating siya ng bansa para i-shoot ang Nilalang with Cesar Montano, nakailang beses na siyang pabalik-balik sa bansa.
Isang rason ng kanyang pagbalik dito ay ang malapit na mabuksan niyang bar sa Resorts World Manila na La Maison.
“The Philippines is now really like my second home.
“Everyone is so nice. I really like it here. I really do.
“Now I know it takes two hours to get to everywhere here, it’s okay!” tawa pa ulit ni Maria na nasanay na sa traffic ng EDSA.
“I also enjoy the food here like adobo, crispy pata, sinigang, bibingka, halo-halo and pichi-pichi.
“Balut, I couldn’t handle but everything else, I love,” ngiti pa niya.
Marami na rin daw siyang alam na Tagalog words.
“I’m learning bits and pieces like magandang umaga, magandang hapon, magandang gabi means good morning, good afternoon and good evening.
Excited na rin si Maria sa pagsakay ng float sa parade ng Metro Manila Film Festival.
“I was checking the past parades on YouTube and I was thinking of wearing just a kimono.
“But then on second thought, it’s going to be 30 plus degrees (heat) and lots of crowds so I’m still thinking about what to wear,” pagtapos pa ni Maria Ozawa.
Lady Gaga gustong tumulong sa mga rape victim gaya niya
Naging open na si Lady Gaga tungkol sa pagiging rape victim niya.
Noong 2014 unang ni-reveal ni Lady Gaga ang kanyang pagiging biktima ng rape.
Ngayon ay nais tulungan ng singer ang ibang mga teens na daanan ang ganitong klaseng traumatic experience.
“I didn’t tell anyone for I think seven years.
“I didn’t know how to think about it. I didn’t know how to accept it.
Pagkatapos sa nangyaring iyon ay malaking pagbabago ang naganap kay Gaga.
“It changed my body. When you go through a trauma like that, it doesn’t just have the immediate physical ramifications on you.
“For many people it has almost like trauma.
“When you re-experience it throughout the years after it, it can trigger patterns in your body of physical distress, so a lot of people suffer from not only mental and emotional pain, but also physical pain of being abused, raped, or traumatized in some type of way,” diin pa niya.
Inabot din daw ng taon bago ma-overcome ni Gaga ang mental at physical battle ng buhay niya.
“Because of the way that I dress, and the way that I’m provocative as a person, I thought that I had brought it on myself in some way. That it was my fault.”
- Latest