Enchong tinupad ang pangako sa kuya
Tinupad ni Enchong Dee ang promise sa kanyang kuya na si AJ Dee na magkakatrabaho sila sa isang movie bago umalis ang utol nito papuntang Norway kung saan ito magma-migrate kasama ng kanyang asawang Filipino/Norwegian na si Olga.
Magkasama silang mag-utol sa pelikulang Turo Turo.
Dahil lahat ay gagawin ni Enchong para sa kanyang kuya, pumayag itong pahabain ang kanyang role sa pelikulang official entry sa Metro Manila Film Festival New Wave selection ngayong December.
Sigurado si Enchong sa pelikula dahil ngayon palang ay confident na ito na mapapansin ang kanyang akting sa nasabing movie.
Bale ba, isang no read no write ang role ni AJ sa movie, tanging sa tulong lang ng anak nito na si Albert Silos na isang magaling na batang theater actor iikot ang istorya.
Sa trailer pa lang ay ipinapakita na agad na may puso at kirot na mensahe ang movie ng magkapatid na Enchong at AJ.
Ang Turo Turo movie ay sa direksyon ni Ray An Dulay na ipapalabas sa Dec. 17 hanggang 24 sa SM Megamall, Glorietta 4, at Robinson’s Ermita.
Inding indie naghahanap ng mga sasali
Ngayon palang ay nag-iimbita na ang grupong Inding Indie Film Festival sa lahat ng estudyante at indie film directors sa buong bansa na mag-submit ng entry na short film para sa kanilang ikatlong anibersaryo na gagawin sa April 24, 2016.
Sa mga katanungan ay maaring mag-log on sa [email protected]
Facebook: ryan manuel favis. Fanpage: inding indie film festival puwedeng tumawag sa 0915-692-74-61.
- Latest