^

Pang Movies

Alex naging tagasalo ng mga trabaho ni Toni!

Jun Nardo - Pang-masa

Kakampi last year ni Alex Gonzaga si Vice Ganda sa entry ng huli sa Metro Manila Film Festival (MMFF). This year’s MMFF, magkabangga na silang dalawa, huh!

Nasa cast ng horror movie na Buy Now, Die Later si Alex kasama sina Vhong Navarro, Rayver Cruz, John Lapus, Lotlot de Leon, Janine Gutierrez, at TJ Trinidad habang si Coco Martin naman ang co-star ni Vice.

Alam ni Alex na hindi lang sina Vice at Coco ang mabibigat na kalaban nila sa festival. Pero naniniwala siyang dahil sa ganda ng kuwento at execution ng director nilang si Randolph Longjas, malakas din ang hinagap niyang mahihikayat na panoorin ng publiko ang BNDL.

Initriga nga si Alex sa presscon ng movie. Napupunta na raw sa kanya ang roles na dapat sana ay sa Ate Toni Gonzaga niya, huh!

“Hindi naman po! Marami rin kasing ginagawa si Ate. Katatapos lang niya ng PBB (Pinoy Big Brother) at meron siyang teleserye.

“Eh, nag-honeymoon kasi uli sila after ng PBB. So ‘yung naudlot nilang honeymoon noon eh, ginawa nila nitong nakaraang buwan. Wagas na wagas ngayon ang honeymoon nila! Ha! Ha! Ha!”

Sa BNDL, ilalabas ni Alex ang pagiging “singer” niya pero winner pa rin ang kakikayan niya!

Sherwin gustong regaluhan ng notebook si Mother Lily

Gustong regaluhan ni Sherwin Gatchalian ng notebook si Mother Lily Monteverde upang ilista roon ang gagawin sa isang araw.

Nakita ng senatoriable ang pagiging busy ni Mother nang makasama niya ang producer sa meeting ng thanksgiving dinner niya sa press last Thursday sa isang hotel. Naganap ang pa-dinner ni Win sa Valencia last Thursday na personal na ina­sikaso ni Mother.

“Nakita ko kasi siyang magtrabaho. Kasi she can talk to you pero ang iniisip niya, sampung iba’t ibang bagay! Multi-tasking talaga! Something na puwedeng gamitin. Para hindi niya makalimutan!” pahayag ni Win sa thanksgiving party.

Sa meeting kasi, nagsimula silang mag-usap nang alas-diyes ng umaga at natapos sila ng almost 5 p.m., huh!

“Pero ilang minuto lang ang nailaan namin para sa details ng thanksgiving! Merong tungkol sa construction at sa ilang negosyo niya. Imagine, halos sampung tao yata ang kinakusap niya bukod sa amin!” pag-alala ni Sherwin sa naganap na meeting.

Eh, nu’ng dinner, very proud si Sherwin na una siyang inendorso ni Mother sa mga 2016 candidates for senator. Alam din niya ang track record ng producer sa endorsement ng candidates.

Para kay Sherwin, pangunahin ang edukasyon sa isusulong niya kapag nahalal dahil ito ang pasaporte upang mabawasan ang kahirapan sa bansa.

Ngayong Pasko, ang wish naman ni Win ay magkaroon na rin ng girlfriend after Pauleen Luna, huh!

vuukle comment

ACIRC

ALAM

ALEX

ALEX GONZAGA

ALIGN

ANG

LEFT

NIYA

QUOT

SHERWIN

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with