^

Pang Movies

Para pumayat uli, Richard kamote na lang ang kinakain!

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kinulit-kulit si Annabelle Rama ng ilang taga-media na nasa iflix event kung totoo ba ang kumakalat na balitang ang anak niyang si Richard ang magbibida sa Panday series ng new TV5.

“Magbibida na kaagad, eh, wala pa naman talagang offer?!” ang tanging isinagot ni Bisaya.

Ayaw din daw masyadong magkomento ni Bisaya tungkol sa tsikang ‘yon dahil wala pa naman daw talaga siyang alam tungkol doon. Ang sinabi lang ng nanay ni Richard, alam niyang ganado na uling magtrabaho ang kanyang anak. Panay nga raw ang exercise ngayon ni Richard at nagda-diet na rin.

“Ang alam ko, madalas, puro kamote na lang ang kinakain ni Richard. May mga isda rin, pero ayaw niya ng prito. Gusto niya, inihaw na isda,” sabi ni Bisaya.

Natutuwa raw si Bisaya na gusto na uling mag-taping at mag-shooting ni Richard, pero kung ano ang proyektong gagawin ng anak, pag-uusapan pa raw.

“Ia-announce naman namin kapag may ready project na. Pero masaya ako dahil ramdam ko na excited na ang lahat kasi kahit may mga naglalabasan na gagawin daw ni Richard na project kahit hindi pa naman talaga nakakapag-usap, eh, marami na ang nagsasabing gusto na uli nilang mapanood ang anak ko,” sabi pa ni Bisaya.

Hayden ilag pa rin sa mga anak ni Dra. Vicki?!

May mga napataas ang kilay dahil magkahiwalay na dumating sa iflix celebrity investors event noong isang araw sa Salon de Ning ng Manila Peninsula ang lovers na sina Dr. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho.

Akala ng iba ay may LQ (lovers quarrel) ang dalawa, pero sinalubong naman ni Dr. Belo ang boyfriend at sweet naman sila, kaya nawala na ang pagdududa kahit mas maagang umalis si Dr. Kho at naiwan ang pamosong beauty surgeon kasama ang anak na si Direk Quark Henares.

Investor din yata sa iflix si Direk Quark at sa kuwento sa akin ng isa pang investor na si Raymond Gutierrez, ang anak daw ni Dr. Belo ang maghe-head ng original contents ng iflix.

Mukhang ok na naman ngayon si Hayden sa mga anak ng kanyang girlfriend, kaya may mga nagtatanong kung maisipan daw kaya ni Direk Quark na gawan ng original show sa iflix ang ina at si Hayden.

Ruffa, Raymond, at Richard, sipag-sipagan para kumita

Wala man ang anak na si Richard Gutierrez, nagpunta pa rin sa event ng iflix si Annabelle Rama dahil investors din doon sina Ruffa at Raymond Gutierrez.

Nakakatawa lang si Bisaya dahil bago umalis ng venue, nagtanong sa akin kung magkano raw ang talent fee ng kanyang mga anak sa event na ‘yon? Ipinaalala ko kay Bisaya na investors sina Ruffa at Raymond sa iflix, kaya I really doubt kung may talent fee ang mga anak niya sa event na ‘yon.

Sobrang sipag nina Ruffa at Raymond (pati na rin si Richard) sa pagpo-promote ng iflix dahil kung manguna rin sa ating bansa ang nasabing business na may landmark collaborations sa PLDT, Smart Communication at iba pa ay sila rin naman ang makikinabang. Sabi nga ni Ruffa, nagsisipag siya sa iba’t ibang business dahil mahirap maging isang single working mother. Lahat naman daw ng mga kinikita niya ay para sa mga anak niyang sina Lorin at Venice Bektas.

ACIRC

ANAK

ANG

ANNABELLE RAMA

BISAYA

DIREK QUARK

DR. BELO

MGA

NAMAN

RICHARD

RUFFA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with