^

Pang Movies

Barack Obama dinedma, PM ng Canada at Presidente ng Mexico mas pinag-interesan ng mga Pinoy

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Dumating kahapon sa Pilipinas si US President Barack Obama na dadalo sa APEC Summit 2015 pero hindi siya ang hinihintay ng mga Pinay at ng mga half-Pinoy half-Pinay.

Ang Prime Minister ng Canada na si Justin Trudeau at ang Mexican President na si Enrique Peña Nieto ang inaabangan ng mga mahihilig sa mga lider na mukhang artista.

Sina Trudeau at Nieto ang da­lawa sa mga popular world leader na gustung-gustong makita nang personal ng kanilang starstruck fans sa Pilipinas.

May mga kakilala ako na ginagawa ang lahat ng paraan para ma-sight nang personal sina Trudeau at Nieto.

Good luck na lang ang wish ko sa kanila dahil sa higpit ng security, malabo na matupad ang mga pangarap nila.

Kris kinaiinggitan, nasolo ang Mexican President

Kinaiinggitan si Kris Aquino dahil siya ang sumalubong kay Mexican President Enrique Pena Nieto.

Dati nang magkakilala sina Nieto at Kris dahil ito ang naging representative ni P-Noy nang magkaroon ng stop over sa Maynila ang Mexican President noong November 2014.

Si Kris ang sumalubong at nakipagtsikahan portion kay Nieto sa sandaling pamamalagi nito sa Pilipinas noong nakaraang taon. Si Kris ang naatasan na mag-entertain sa mga anak ni Nieto na kasama nito na dumating sa Pilipinas para sa APEC Summit.

Sen. Grace nabawasan ang tinik sa dibdib

Tuloy ang pagkandidato ni Senator Grace Poe sa pagkapangulo dahil pabor sa kanya ang boto ng Senate Electoral Tribunal.

Lima ang bumoto para hindi ma-disqualify si Mama Grace at apat ang hindi pabor.

Dahil dismissed ang petisyon, nabawasan na ang tinik sa dibdib ni Mama Grace kaya sobra-sobra ang pasasalamat ng kanyang madir na si Susan Roces.

Si Senator Tito Sotto ang unang nag-broadcast ng balita na pinaboran si Mama Grace ng SET at ito ang dahilan kaya absent siya sa Eat Bulaga mula pa noong Lunes.

Ang sey ni Tito Sen, sila nina Senators Pia Cayetano, Loren Legarda, Cynthia Villar at Bam Aquino ang bumoto para sa mga karapatan ng isang ampon na bata.

Apat naman ang naniniwala na dapat i-disqualify si Mama Grace at kabilang sa kanila si Senator Nancy Binay na kumakandidatong pangulo ang fadir na si Vice President Jojo Binay.

Out of town si Mama Grace nang malaman nito ang good news.

Kasama ni Mama Grace sina Senator Chiz Escudero,  Congressman Roman Romulo at Sherwin Gatchalian, Atty. Lorna Kapunan at Manila City Vice Mayor Isko Moreno sa isang  forum ng mga estudyante sa Biñan, Laguna nang makarating sa kanya ang desisyon ng SET.

Sina Papa Roman, Papa Sherwin, Papa Isko at Atty. Kapunan ang mga senatorial bet ng Partido Galing at Puso nina Mama Grace at Papa Chiz.

Yaya Dub kayang-kaya sina Jessa at Jaya

Hindi lang magaling sa dubsmash si Maine Mendoza dahil mahusay rin siya sa impersonation.

Gayang-gaya ni Maine ang mga singing voice nina Jessa Zaragoza at Jaya, base sa sample na ipinakita niya kahapon sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Habang tumatagal, ipinapakita ni Maine ang kanyang mga natatagong ta­lent na nagpapatunay na pang-showbiz talaga siya.

Hindi totoo ang pralala ni Maine na hindi ito marunong kumanta at sumayaw nang mag-audition siya noon para sa karakter ni Yaya Dub.

ACIRC

ANG

EAT BULAGA

GRACE

MAMA GRACE

MEXICAN PRESIDENT

MGA

NIETO

PILIPINAS

SI KRIS

YAYA DUB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with