Bongga… Alden at Maine hindi pa pala iniimbitahan sa show ni Ellen Degeneres, sa BBC muna papa-interview
Wala pa naman pala sa schedule ni Alden Richards ang sumipot sa show ni Ellen Degeneres, huh! Eh hindi kasi pwedeng um-absent nang matagal ang Pambansang Bae dahil sa rami ng commitments plus may taping pa ng Eat Bulaga sa December.
Ang latest na gagawin ni Alden ay ang interview nila ni Maine Mendoza/Yaya Dub para sa BBC na manghang-mangha sa AlDub phenomenon!
Ayon kay Gigi Lara Santiago ng GMA Artist Center, darating sa APEC meet ang grupo ng BBC at interbyuhin sina Alden at Maine at ipalalabas nila.
Mother Lily walang mapaglagyan ng saya
Happiest lola si Mother Lily Monteverde sa pre-wedding dinner ng apo na si Keith Monteverde na ginanap sa Discovery Shores last Friday. Table hopping siya talaga para yayain ang mga guests para magsayaw!
Eh accomplished na kasi si Keith na isang U.S.-based lawyer at may Masters of Law na rin. At nung nagkasakit si Mother, bumalik siya ng bansa upang alagaan ang lola.
Present din sa dinner ang buong pamilya ni Mother Lily pati na si Father Remy kahit may sakit. Namataan din namin sa party ang mga anak ni Mother na sina Meme at Dondon Monteverde, Manay Lolit Solis at iba pa.
Kahapon ng hapon ginanap ang wedding ni Keith kay Winni Wang.
Ilan sa sponsors ay sina Gov. Vilma Santos-Recto at Tony Tuviera.
Eh pagdating sa GMA teleserye na plano ng network, gusto nilang gumawa pero depende ‘yon kay Mr. Tony na namahala sa career ni Maine Mendoza.
KC apektadung-apektado sa naganap na trahedya sa Paris!
Sobrang apektado si KC Concepcion sa naganap na trahedya sa Paris na gumulantang sa buong mundo kahapon!
Nalulungkot ang host-actress at nag-post sa Instagram account ng Pray for Paris.
Sa Paris nag-aral si KC bago bumalik sa bansa at nag-showbiz. Dun niya ginugol ang kabataan niya kaya naman proud mama si Sharon Cuneta sa achievements ng anak nila ni Gabby Concepcion.
Nasa Amerika ngayon si KC. Nakatakda sana siya lumipad patungong Paris para dumalo sa isang convention sa climate change bilang bahagi ng functions niya sa United Nations.
Anyway, ‘wag sanang maganap ang terror attack sa Paris sa APEC meeting ng world leaders dito sa atin.
- Latest