Kris dedma sa mga bully, nagsimula sa MMFF movie!
MANILA, Philippines – Bumalik na noong Sunday mula sa isang linggong pagbabakasyon sa Hawaii si Kris Aquino kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby.
Noong Monday ay kaagad na sumabak sa trabaho si Kris at nag-taping ng morning show niya na KrisTV ng ABS-CBN.
Sumalang na rin si Kris sa shooting ng Metro Manila Film Festival 2015 movie niya na All You Need Is Pag-ibig kung saan ay kapareha niya si Derek Ramsay at kasama rin sina Kim Chiu, Xian Lim, Ian Veneracion, Jodi Sta. Maria at Bimby.
Ayon sa isang Star Cinema-insider, tuluy-tuloy ang shooting nila at sigurado raw na matatapos ang pelikula sa first week of December.
Samantala, maraming namba-bash ngayon kay Kris sa kanyang Instagram account dahil sa ilang pino-post niya, pero mukhang dedma lang ang TV host/actress at minsan lang nag-post patungkol sa mga nambu-bully sa kanya.
Concert ni Lani kasama si Arnel, malapit nang ma-sold out
Sina Lani Misalucha at Arnel Pineda sa Solaire Resorts and Casino ngayong tanghali para sa presscon ng Voice of the Nightingle concert sa The Theater sa December 4 at 5.
Special guest ni Lani si Arnel sa nasabing concert, pero sobrang sipag din ng huli sa pagpo-promote ng proyektong ‘yon ng Las Vegas-based singer.
Balitang almost sold out na ang December 5 show at ‘yung December 4 na ang mas pinu-push nila.
Martin sanay na mangarag bago mag-concert
Kaliwa’t kanan naman ang naging shows sa Amerika ng Concert King na si Martin Nievera at pawang matatagumpay ang mga ‘yon.
Sa November 12 ang balik sa bansa ni Martin dahil nagba-bonding pa sila ng bunso niyang anak na si Santino.
Tamang-tama ang pagbabalik sa bansa ni Martin sa araw na ‘yon dahil dederetso na siya sa rehearsal niya para sa The Concert King Rocks The Palace ng Palacio de Maynila (Roxas Blvd., Malate, Manila) sa November 13.
Isang fundraiser ang nasabing intimate concert at mapupunta ang kikitain sa Victory Outreach sa San Pedro, Laguna.
Walang problema kay Martin na may show na siya kaagad the next day pagbalik niya mula sa Amerika dahil sanay na siya sa ganoon.
- Latest