Serye nina Goma at Dawn, pang-pelikula ang dating
Trailer pa lang ng You’re My Home, isang primetime drama series sa ABS-CBN starting November 9, parang isa na namang mala-pelikula ang mapapanood. Ang kaibahan nga lang ay gabi-gabi itong mapapanood at sa hindi kalakihang screen, sa telebisyon.
‘Di bale kung manonood ka sa entertainment room ng bahay ni Kuya Germs (German Moreno) sa laki ng TV screen, pang telebisyon at pelikula. Na habang nanonood ka, nakahilid sa upuan na super lambot, habang ngunguya-nguya ka ng mga kukutish na Kastanyas (grabe), mani, butong pakwan at iba pa with matching cold drinks.
Ang ganda ng story ng You’re My Home kaya proud si Derek Jerry Lopez Sineneng na makita ang mga nanood kasama ang movie press people.
May intrigang muli sina Richard Gomez at Dawn Zulueta, dahil sila ang mga pangunahing order, sila ang magiging ugat ng kasaysayang nakapaloob sa seryeng You’re My Home.
E, kasi dati nang may something or nakaraan sina Goma at Dawn sa mga unang pagtatambal nila sa pelikula.
Pero hahanga ka sa kanila, dahil pareho silang nag-asawa at nagkapamilya, putol ang usapang, no more talks, no more chismis! Pinairal ang respeto sa isa’t isa.
Ibig sabihin, hindi nila pinairal ang kalibugan, minahal nila ang kanilang pamilya at itinuring nilang mas masarap, malinis, busilak ang magkaroon ng matatawag na “home”.
Ang You’re My Home ay hindi naman bahay lang ang kahulugan, ibig sabihin din nito ay pamilya, genuine happiness, close bonding, tahimik, walang away at nasa gitna ng home ang panginoong Diyos.
Aksyon Balita ng TV5, binantayan ang paghagupit ni Lando
Ratsada na naman ang mga taga-TV5 sa newscast na napapanood everyday, lalo na nu’ng kasagsagan ng bagyong Lando.
Agaw-eksena ang Aksyon Balita sa tanghali, kahit malupit ang bagyo, walang takot ang mga field reporter na naka-dispatch sa mga lugar na pinapasyalan ni Lando. Ang news program at news department head ay si Ms. Luchi Cruz Valdez.
Ang mga nangungunang newscaster naman ay sina Erwin Tulfo, Cheryl Cosim, Paolo Bediones at iba pa.
Condolence…
Sa katotong Rommel Gonzales, ex-president ng PMPC for the loss of his father, Pedro Gonzales na namatay last Wednesday.
Eternal rest grant unto Pedro Gonzales. May he rest in peace.
- Latest